Eto po ang mga uri ng pang hahack na ating nararanasan at dapat iwasan.. kadalasan po nangyayari eto sa mga computer shop.. (hindi naman po lahat ng computer shop).. minsan po kasi mga costumer narin ang mga gumagawa ng ganitong gawain. Sa shop ko po walang ganito... kaya po mag iingat po tayo sa ating mga online account at wag tayo pabaya..
Eto po ang mga uri ng panghahack na ginagawa ng mga taong walang magawa sa buhay..
-Mataas na uri ng pang hahack na dapat nating malaman at iwasan-
1. Phishing attack - isang uri ng pag ataki na kung saan papadalhan ka ng email na kunwari legit company na nag send n email na kapag binuksan mo ay maaaring manakaw ang iyong mga information tulad ng bank account number.. password at iba pa.. medyo kapanipaniwala ang mga nakasaad sa email kaya minsan mapipilitan kang ibigay ang iyong information sa kanila.. kaya dapat maging maingat sa mga fake email at wag basta basta maniwala.. lalo na kung importante ang iyong mga online account..
2. Phishing website (spoofed site) - ay isang uri ng pag ataki gamit ang pekeng website na kahawig ng mga website na ginagamit mo.. tulad ng facebook.. yahoo.. google.. online bank account.. etc.. na kapag nakita mo ay kamukhang kamukha ng isang legit na website.. at kapag sinubukan mong mag login dito ay mapupunta sa hacker ang inilagay mong username at password sa kanilang fake login form.. pero kadalasan ma error ang pag login mo.. pero lahat ng keystroke mo or na type mo ay mapupunta na sa hacker.. tandaan na iwasan ang mga fake website.. laging i check ang url neto.. kung tulad ng legit na site na gamit mo..
3. Keylogger - eto naman ay isa uri ng isang program na kung saan ay na se save ang bawat keystroke mo ng keyboard even mouse click or visited website mo.. kapag nag type ka sa keyboard ay automatic naka save na mga na type mo at makikita na eto ng hacker.. pwedeng i automatic email nila mga keystroke mo sa kanila or meron ang isang computer na naka install at naka hide lang sa background na tanging ung nag lagay or hacker lang may access dito.. karamihan na meron neto ay sa mga shop.. or naka automatic install online kapag may na click kang link or program na hindi familiar sayo.. or itatago nila sa isang picture or fake program na iinstall mo..
-Mga mabababang uri naman ng panghahack na dapat natin iwasan-
1. Mga meron o mga nakatambay sa shop sa likuran ng nga nag cocomputer - eto ay mga taong naka masid lang sa inyong mga likuran.. para abangan ang pag tatype mo sa keyboard at kanilang titingnan mga letrang i tatype mo pag ma login ka sa fb.. or online games.. kapag nakita nila ang ba type mo at nakabisa nila.. maaaru nila etong i hack or nakawin sayo.. maaari nila etong i login sa ibang shop para hindi halata ang mga kolokoy.. kaya magiingat pag mag ta type ng inyong account sa mga computer shop na may mga meron sa likod nyo..
2. Mga naiiwang account sa shop kung nakalimutang i logout or inabot ng time - eto naman yung mga taong natyempuhang naka login ang inyong account sa isang computer shop.. kapag nakita nilang naka login.. ex.. fb.. ay kanilang gagamitin para mag post ng kung anu anu sa inyong naiwang fb na naka login pa.. pwede nilang babuyin eto.. mag post ng kabastusan or i chat mga friend mo or mag delete ng friend.. kaya tandaan na kapag kayo ay gagamit ng computer sa isang computer shop ay matotong mag logout ng mga online account nyo bago kayo abutan ng time.. or bago kayo mag out kung kayo naman ay naka open time.. para hindi neto mabiktima..
Note: Pwede etong mangyari sa cellphone.. tablet.. doble ingat po sa pagamit..
Be responsible..
Swerte kanalang kung magaling ka sa computer at sa hacking, at malas kanamn kung d ka gnun kagaling at d ka maingat.