My live in partner

8 24
Avatar for epicroxas
3 years ago

Eto ay tungkol sa aking pinaka mamahal na live in partner, almost 3 years na kami, at sobrang bihira lang kami mag kahiwalay, pasalamat lang ako at hindi sya nag sasawa na kasama ako. Sya ang tipo ng babae na hindi mahilig sa kung ano anong bagay na hindi mahalaga, mga luho na alam nyang hindi naman kailangan. Actually last cellphone nya na bigay pa ng tita nya ay almost 4 years bago pa nasira ng tuluyan, at kung hindi pa nasira ay hindi pa mapapalitan. Hindi ko na masyado i kwento kung paano kami nag simula, ang tanging masasabi ko lang ay nag kusa ang lahat sa amin. Hindi ko sya hinanap at hindi rin nya ako hinanap, parang tadhana na gumawa ng paraan para mag katagpo kami.

Hindi sya kuntento ng hindi ako kasama, noong bago lang kami, nangako ako sa sarili ko na kung pano ko sya minahal noong una ay hihigitan ko pa habang tumatagal, hindi ko na inisip na baka iwan din ako neto tulad ng mga nangyayari sa mag kaka relasyon ngayon, naniniwala kasi ako na kapag minahal mo ng totoo ang isang babae ay "baka" hindi ka iwanan, may chance siguro na mangyari yun, pero yun ay kung may pag kukulang ka sa kanya, at kung hindi ka magiging loyal. Ang kaya ko lang gawin mahalin sya, patawanin sya sa oras na nalulungkot sya, at damayan sa mga problema nya sa buhay, importante lagi akong nasa tabi nya sa hirap at ginhawa.

Sa isang relasyon hindi naman maiiwasan ang away, ang ginagawa ko nalang lagi ko syang pinag bibigyan para hindi humaba ang away, minsan nalayo nalang muna ako para hindi tayo makabitaw ng masasakit na salita, na pwede nating pag sisihan sa huli, mga ilang minuto babalik ako para mag sorry at suyuin sya, alam ko medyo galit pa sya nun kaya lang medyo makulet ako kaya hindi ako natigil hanggat hindi sya nangiti. Masaya kami pag mag kasama, hindi kami nauubusan ng mga kwento, puro tawanan at harutan, pero may times na parang ang lungkot ng paligid, at nalulungkot sya, bukod sa mga corny kong joke na tinatawanan naman nya ay binibilhan ko nalang sya ng favorite nya na milktea or shake. Masaya na sya nun.

Gusto ko lang makilala nyo sya ng kahit paano. Una tinanggap nya ako kung ano at kung sino ako, kelangan lagi ka malapit sa kanya, i mean laging katabi laging nasa paligid, as in nandyan ka sa tabi nya, minsan kahit na cr ako kakatok yan at bakit daw ako matagal, bilisan ko daw, ok lang sakin yan, masaya nga yun eh damang dama ko na gusto nya ako kasama, literal hehe. May mga oras na may tupak sya, hindi ko maintindihan kung bakit, minsan nakakagawa sya ng away na nag mula sa wala. Tulad ng dati matinding pang unawa lang kailangan kahit minsan hindi mo na talaga maintindihan, dahil mahal na mahal ko talaga sya.

At dahil nag sama na kami ngayon, magiging issue ang pera syempre lalo nat walang makakain, as PWD kelangan ko rin namang mag work na angkop sa tulad ko. Nag re repair ako ng computer at cellphone, nag eedit ng picture at kung ano ano pang pang computer na trabaho, nakaka survive naman kami at nakakaipon ako kasi walang luho ang partner ko. At napapansin ko tuwing natingin sya sa facebook mahilig sya tumingin sa mga online seller ng mga pag kain na tinitinda. Naisipan kong tanungin kung gusto ba nya omorder, sabi nya hindi, gusto nya pala gayahin, at ng makatulong sya sakin sa bahay. Bigla akong nag ka idea, dahil gusto nya maging online seller ng mga pagkain naisipan ko syang sorpresahin, bibilhan ko sya ng mga gamit sa kusina. Kaya ang ginawa ko habang nasa tita ko sya ay palihim akong mamimili ng alam kong gamit na kailangan nya, maghapon sya dun kaya marami ako oras, alam kong hindi eto kumpleto at may mga nabili rin akong hindi kasama sa plano. Eto ang mga napamili ko..

Nung nakita nya eto ay sobrang saya nya, yun pala ang gusto nya noon pa nahihiya lang sya mag sabi sakin. Sorry hindi ko na na picturan ang moment na nakita nya gift ko.. kasi nasa puso at isipan ko nalang ini save ang moment na iyon. Maraming salamat sa pag babasa. Pasensya na po at hindi ko naisulat bawat detalye ng kwento ng aming buhay. Pero salamat po na marami sa mga nag basa at mga mag babasa pa. Comment and like po sana.

5
$ 0.68
$ 0.68 from @TheRandomRewarder
Sponsors of epicroxas
empty
empty
empty
Avatar for epicroxas
3 years ago

Comments

Wow naman , stay strong po sainyong dalawa nakaka inspired naman haha. Parang gusto ko din ikwento yung love story namin haha . Chaar

$ 0.00
3 years ago

Salamat po.. waiting naman po ako sa story nyo?

$ 0.00
3 years ago

Haha

$ 0.00
3 years ago

Hindi nga po.. sana isulat mo.. ang ginawa ko lang po hindi ko ni reveal ang name at naka facemask face nya.. hindi nmn po sa kinakahiya ko sya.. ako po nahihiya kasi ang ganda nya ako hindi pogi..

$ 0.00
3 years ago

Gud luck po Sana all NG lalaki marunong mag pahalaga at tapat Diba bihira Lalo n ang makuntento sa lahat bihira.. Ganun nmn talaga kaming mga babae eh Kung kami ay Kaya pahalagahan at ingatan bkit need PA nmin humanap NG iba or iwan ang lalaki Lola n Kung ang lalaki ay slam Kung panu rumespeto sa babae nko kahit PA sa hirap at ginhawa walang makakapag hiwalay sa inio.. Lalo n I center nio si God sa gitna nio... Mas Lalo g titibay ang relasyon kau pareho kau my takot sa kanya.. Keep it up Sana all daba...

$ 0.00
3 years ago

Salamat po sa napakagandang comment nyo po.. now ko pang nabasa.. natabunan na sa notif ko.. anyways thank you so much po talaga..

$ 0.00
3 years ago

Mahaba yung Artikulo mo dear kaya tinamad akong basahin siya. May tanong lang ako . 3 years na kayong live in partner? Kasala na kayo ?

If not ? Why Not?

$ 0.00
3 years ago

Are you asking kung kasal na ba kami? Kung yun tanong mo here is my answer.. i been married once.. sa maling babae.. she destroyed me.. cheated on me to many times.. dahil siguro pwd ako.. another story ng buhay ko yun.. na kinakalimutan kong pilit.. basta etong live in partner ko binangon ulit ako.. binalik paniniwala ko sa pag mamahal.. lalo na sa dyos.. nasa akin din dalawa kong anak s dati kong asawa.. actually inaasikaso ko na annulment namin.. sana yun tanong mo hehe.. haba sagot.. wala kc ako plano sumulat ng artikolo para sa ex.wife ko.. ni i share man lng sa inyo sorry.. hanggat dto nlng.. salamat..

$ 0.00
3 years ago