Nag tayo ako ng computer shop noong year 2001. Meron lang akong limang unit.. ang isa dun ay server ko.. sa server ko may printer.. ang rate ng games nung 2001 hanggang 2009 ay 30 pesos per hour.. ang pinagkakakitaan ko ay pag papalaro.. pag eencode at pag aayos ng mga pc.. ang paborito ko ay mag ayos at mag encode.. ang laro ay libangan ko lang.. habang tumatagal bumababa ang presyo ng pag papalaro sa kadahilanang dumadami ang nagtatayo ng shop.. pero ang napansin ko.. halos lahat ng nagtayo ng computer shop sa lugar namin ay walang alam sa pag aayos neto.. gumamit lang.. kaya ang nangyari ako ang naging tech ng ibang shop.. sa encoding naman.. mabilis ko nagagawa ang trabaho kasi ang bilis ko sa pag ta type ay 120wpm n may 100% accuracy.. sa mga photo editing naman may skill ako sa photoshop at coreldraw.. so hindi mahirap para sakin ang mag edit.. sa pagiging technician naman mas ok dahil yun talaga ang una kung natapos at pinag aralan.. kailangang makisama ka sa mga costume.. kahit anung edad pa yan.. at i download ang mga gusto nilang laro.. para ma maintain mo ang shop mo.. ngayon dumating ang 2013 madami na shop.. naging 10 pesos na ang kada oras.. kailangang lumakas ang repair at encode kasi nahina ang gaming.. dalawang beses lang ako nag upgrade mula 2001 to 2018.. dahil sa kaka repair ko ng mga unit ko sa shop.. ibig sabihin kapag may alam ka sa pag aayos ng computer at matayo ka ng shop mas mainam na may alam ka sa pag aayos neto hindi lang pag gamit.. marami rin akong naranasan sa shop.. tulad ng pag susuntukan ng mga player ko.. mga sinusundo ng mga magulang.. at mga para utang na tropa na wala ng bayad bayad.. sa awa ng dyos napanatili kong buhay ang aking shop na may pangalangang Brainwave computer shop at sa pangalawang upgrade at nag pa BIR na ako ay Fusion computershop.. sa ngayon lumipat nako ng lugar.. at dito naman ako magtatayo ng shop.. isusulat ko dito ang bago kong shop.. eto po muna at maraming salamat.. God bless sa inyo lahat..
3
17
Sa panahon ngayn swete may mga computers shop, kahit hindi indemand yan gusto ko sana magka computer shop haha kahit 15pc lng mern sana nga.