Kabataan ngayon at noon

Avatar for epicroxas
3 years ago
  • Noon:

Ang mga bata noon ay madalas mag laro sa labas ng bahay, mga larong halos hindi na natin makita na nilalaro ng mga kabataan ngayon. Tulad ng tumbang preso, luksong tinik, piko, tagu-taguan, patintero kung tawagin at tubigan at iba pang mga laro noon. At kapag hinahapon na sa laruan ang mga bata ay kadalasang nasusundo ng kanilang mga magulang na kung minsan ay may dala pang pamalo para lang sindakin para umuwi na sa kani kanilang mga pamamahay. Hindi pa open ang kanilang mga isipan sa teknolohiya kaya mas maraming oras silang nakakatulong sa kanilang mga magulang sa mga gawaing bahay, at nakakapag focus pa sa kanilang pag aaral kahit payak ang kanilang pamumuhay. Napakasarap balikan ang mga alaala noong tayo ay bata pa. Malaya sa anu mang karumihan sa mundo at walang problemang iniisip kahit mahirap ang buhay. Masarap langhapin ang napakalinis na hangin lalong lalo na sa mga probinsya. Malinis na ilog at dagat, masusustansyang mga pag kain, at kuntento na kung anung meron sa kanila tulad ng mga laruang baril barilan na yari lamang sa kahoy, lastiko, text, jolen at kung anu anu pang mumurahing laruan noong panahon. Maayos ang mga trabaho ng mga magulang at masaya ang pag sasama ng isang pamilya. Kumain lang ng tatlong beses sa isang araw ay kuntento na ang isang pamilya at laging may oras para mag bonding tuwing umaga sa almusal, tanghali at bago matulog sa gabi, nagagawa nilang mag kumustahan kung anong naganap buong maghapon ng buhay nila. At kapag may hiniling ang anak sa magulang at eto ay hindi kayang bilhin ay kadalasang naiintindihan ng mga anak eto at natutotong mag hintay para sila ay mag karoon ng kanilang gusto. Nakakapag dasal pa araw araw at lalo na bago sila matulog. Hindi ko man naihayag lahat ng naranasan ko nung bata ako ay siguradong alam nyo na yung iba.

  • Ngayon:

Ang mga kabataan ngayon ay malaki na ang pinagbago keysa noon. Ngayon hindi mo na sila basta basta pwedeng galitan lalo nat paluin, dahil ang iba ay hindi na naiintindihan ang salitang disiplina. Malamang eto ay dahilan narin ng kanilang uri ng pag laki, dahil sa kapaligiran, kanilang nababarkada, mga nakikita sa social media, youtube. Kadalasang lumalaki sila ng may gadgets tulad ng cellphone, computers. At ang iba naman ay hindi kayang tiisin ang mahirap na pamumuhay kaya nag iiba ang kanilang asal. At dumami ang kaso ng bullying, pagiging batang ina at ama. At minsan hindi narin kinakaya ng mga magulang ang hirap ng buhay kaya yung iba napipilitang mag ofw, minsan hindi maganda ang epekto neto sa mga bata, natuto silang lumaban sa hamon ng buhay sa murang edad dahil sa kakulangan ng gabay ng kanilang mga magulang dahil ang mga eto ay nag ta trabaho malayo sa piling nila. At minsa eto ring pag abroad ang nagiging sanhi ng pag hihiwalay ng mag asawa, na ang tanging biktima ay ang kanilang mga anak. Kaya ang ibang kabataan ay nalololong sa masasamang bisyo tulad ng drugs, alak, sigarilyo, at kadalasan hindi na pumapasok sa eskwelahan dahil laging nasa tambayan or computer shop. Halos nawala na ang bonding ng isang pamilya ngayon dahil sa uri ng kanilang pamumuhay. Madalas ng humingi ang mga bata ng pera at kung anu anung mga gamit na hindi kailangan. At kapag hindi napag bigyan ay nasama agad ang loob neto sa kanilang mga magulang. Ang katotohanan mas matigas na ang ulo ng mga bata ngayon keysa noon, na kung hindi masusupil ng maaga ay maaaring eto ay makakalaban ng mga magulang pag dating ng panahon. Sa kapaligiran naman natin ay masyado ng ma polosyon, halos nawala na ang malinis na hangin sa kapaligiran kahit pa sa mga probinsya. Kaya nakakatakot narin ang mag laro sa labas sa panahon ngayon. Nasa bahay nga ang bata ay tutok naman sa cellphone at hindi na mautusan ng ayos at sumikat na ang salitang "wait".

Pa like po. Upvote and subscribed

@epicroxas

2
$ 0.00
Sponsors of epicroxas
empty
empty
empty
Avatar for epicroxas
3 years ago

Comments

Mas gusto ko ung kabataan ko mas masasaya mga laro nuon tipid pa kc hindi mamahalin.ang laruan d tulad ang mga gadget na laruan ng mga kabataan ngaun dmi na pingbago.

$ 0.00
3 years ago

Mura na masaya pa.. minsan binibigay nalang ng mga kalaro mga laruan noon.. salamat po sa comment

$ 0.00
3 years ago

Nakakalungkot nga na ibang iba na talaga ang gawain ng mga bata noong kapanahunan natin. Hahaha. Kung susulat ka po ng mga tungkol sa dating laro pwede mong i post dito. https://read.cash/c/classic-games-9d4b

$ 0.00
3 years ago

Oyy.. salamat po.. done joining to your community... salamat po.. post po ako dyan.. pwede ba etong article na eto?

$ 0.00
3 years ago

Opo. English po ung sa Classic Games. Hahaha. Ayos lang po.

$ 0.00
3 years ago

Gawa pa po pala ako ng english version

$ 0.00
3 years ago

Ganun talaga lahat nagbabago. May pagbabago na positibo at may pagbabago din na negatibo. Nakadepende ito sa tao kung alin ang pipiliin nito. Sa pagbabago ng mga bata sa panahon ngayon hindi dapat lahat isisi sa magulang dahil hindi din naman kasi hawak ng magulang ang puso, isipan at paa ng mga anak nila.

Sa negatibong pagbabago, nandyan din yung impluwensya ng barkada na minsan ay walang binibigay na mabuting asal sa kapwa nila. Hindi ko sinasabing lahat ng barkada ay negatibo, siguro dahil sa panahon ngaun iilan na lang yung mga kabarkada na tatawagin mo talagang kaibigan. Malakas ang impluwensya ng barkada lalo na pag ito lagi ang nasasamahan ng bata. Isa na rin ang social media. Alam kong alam namn ng lahat na isa din ito sa nagbibigay ng mga negatibong paguugali mg bata.

Kaya naman talaga hindi lang gabay ang kailangan ngayon ng mga kabataan kundi leksyon na rin nadapat matutunan upang hindi na sila gumawa ng ganoong bagay para malaman.

$ 0.00
3 years ago

Tama ka po.. realtalk iba na kabataan ngayon keysa noon..

$ 0.00
3 years ago

I think I have this article too. Pero nasa tagalog yung sayo while yung ginawa ko nasa wikang english.

Ang mga kabataan ngayon ay napapariwara na. Sa maraming kadahilanan. Isa na jan ang dinila maramdaman ang pag papahalaga ng mga taong naka paligid sa kanila sa pamilya nila at attention na nais nolang makuha sa iba hinahanap.

Pangalawa ang mga magulang ay laging busy will yan marahil talaga ang dahilan. Mga magulang na addict narin sa pag gamit ng cellphone. Ang nakaka awa ay kung ang bata ay nasa 3 to 6 na anyos lamang tpos di muna nabibiguan ng pansin. Pag laki kung ano makita niya sayo yun din gagayahin nila.

$ 0.00
3 years ago

Nice.. keep writing..

$ 0.00
3 years ago