Buhay ng computer shop owner P2

0 3

Panu ba ang buhay ng isang computer technician.. eto po ay ayun laang sa sarili kong karanasan.. pag katapos kong makatapos ng computer tech sa isang paaralan. Naisipan kong magtayo agad ng negosyo.. ang computer shop.. AMD lang ang mga unit ko kasi alam naman nating medyo may kamahalan ang Intel.. pero ang server ko ay Intel sa dahilang tumatagal eto ng magdamagan.. matibay eto sa patagalan ng pag gamit keysa sa AMD. Eto ay ayun laang din sa aking kaalaman at karanasan.. noong 2001 sa aming lugar ay ako palang ang may ganitong negosyo.. kaya malakas ang gaming nun.. 30 pesos pa per oras.. at wala pa ako internet connection noon kasi hindi pa abot sa aming probinsya.. mga bandang 2003 nagpakabit ako ng internet kaso dial-up palang kasi yun palang ang available na internet connection saming lugar.. eto ang mga offline games at online games ko noong dial-up pa internet connection ko..

OFFLINE GAMES:

1. GTA Vice city

2. GTA San andreas

3. Counter strike 1.3 / 1.5 / 1.6

4. Quake III Arena

5. NBA live 2000

6. Spiderman

7. Harry potter

8. HOLLOW

9. Need for speed underground

ONLINE GAMES:

1. Ragnarok

Yan lang ang online game ko kasi dial-up pa ang connection ko.. na almost every 30 minutes ay ma reconnect ka..

Dumating ang 2005 nagkaroon na ng smarbro dito sa lugar namin.. at dun ko nalaman na may tatlong shop na pala sa lugar namin..at pang apat ako sa makakabitan.. kaya napilitan akong mag baba ng presyo sa pagpapalaro.. 30 pesos naging 25 at naging 20 pesos.. may pa promo pa.. lumipas ang dalawang taon.. nadagdagan pa mga shop sa lugar namin hanggang pati ang internet ay bumagal.. kasi bukod sa mga computer shop may mga taong nagpakabit din ng smartbro sa kanikanilang pamamahay.. pero eto naman yung part na dumami na ang nag papagawa sakin ng computer.. bukod sa mga taong may sariling computer ay yung may mga shop din na walang background sa pag aayos ng computer.. may encode din po ako.. ngayon dumating ang 2009 nagpalit nako ng connection.. PLDT naman kasi walang limit.. at yun din ung time na nag upgrade nako ng mga pc kasi hindi na kaya yung mga bagong games.. eto na ang mga online games sa computer shop ko..

1. SF

2. DOTA2

3. Garena

4. ROS

5. LOL

6. Weapons of war

Mahirap mag maintain ng shop lalo na at solo ka lang.. pero sa determinasyon ko napatagal ko ang shop ko hanggang 2018.. nag sara ako ng shop dito sa bicol dahil dumalas ang brownout.. at naisipan kong lumipat ng quezon province.. pero nadatnan ko dito na hindi pa abot ang pldt.. kaya nag hihintay ako ng pldt dito para maka pag umpisa ulit.. sa ngaun sideline sideline muna.. repair ng pc at cellphone sa ngayon.. kaya hangang dito po muna.. at maraming salamat po...

1
$ 0.00
Sponsors of epicroxas
empty
empty
empty

Comments