What's for today 09/24/2020

0 40
Avatar for engrhisrael
4 years ago

Hi po sa inyo! More than half of the year na pala nating nararanasan ang Covid-19 pandemia. . . Grabe iba talaga ang epekto nito sa buhay ng tao sa buong mundo. . . Marami nang namatay, naulila, nawalan ng hanapbuhay, nawalay sa mga mahal sa buhay. . . Meron din namang nabago ang buhay nang dahil sa Covid; natuto ng bagong skills, nagkaroon ng negosyo, nabago ang pananaw sa buhay, naiba ang set-up ng trabaho. . . So naging mediator ang Covid sa lahat ng aspeto ng buhay. .

Kahapon lumipad ang dad ko papuntang Taiwan (for more than my age nang OFW ang dad ko). Last Sunday, bumisita muna ako sa bahay namin sa Malabon para makita sya at makipagkwentuhan. . . Gaya nang ibang pamilya na may mga mahal sa buhay na nagtatrabaho abroad, hindi maaalis ang pangamba at takot. . . Nang dumating na sya sa Taiwan, nagmessage sya na nasa isang hotel sila ng mga Pinoy na dumating doon, para sumailalim sa 14-day quarantine. . . Para nga daw haunted hospital ung tinutuluyan nila. . . Pero Salamat pa din sa Panginoon at nakarating sya nang ligtas. . .

Kung ako lang tatanungin, gusto ko nang magretiro ang dad ko sa pagiging OFW. Nasa senior citizen category na sya, kaya deserve na nyang mamalagi nalang dito sa Pilipinas at i-enjoy ang buhay. . . Sinabi ko sa sarili ko na balang araw, mabibigyan ko nang magandang buhay ang magulang ko. . . Kahit na wala akong trabaho ngayon (dahil sa pandemic), naniniwala ako na matutupad ko ang mga pangarap ko, pangarap na binuo ko noong nagsimula akong mag-aral sa kolehiyo. . . At sa gabay ng nasa Itaas, unti-unti nang tutuparin ito. . .

Sa ngayon, patuloy akong naghahanap ng trabaho (sa Jobstreet, LinkedIn, GrabJobs, WorkBank, Monster, BossJob, at kung saan-saan pang job hunting sites), at tumatanggap ng mga freelance designs for Audio-Video Systems. . . Nagtitinda din ng mga lutong pagkain at condiments para maka-survive. . . Kaya laban lang at wag mawalan ng pag-asa. . . Papasalamat pa din at hindi tayo pinababayaan ng nasa Itaas. . .

Oh dito na muna ang article ko. . . May mga kelangan akong asikasuhin sa mga susunod na araw. . . Hari nawa eto na ang simula ng pagbabago. . . Babush!!!

1
$ 0.00
Avatar for engrhisrael
4 years ago

Comments