What's for today 07/04/2020

1 32
Avatar for engrhisrael
4 years ago

Good day to all of you! July na. Start of the 2nd half of year 2020. Bilis talaga ng panahon. Until now, wala pa ding work. Still doing job applications, doing side hustles, online selling (ung necessary for everyday living), and collecting cryptocurrency.

According to Wikipedia (for reference of course hehehe), today is "a federal holiday in the USA commemorating the Declaration of Independence of the United States in 1776." So Happy Independence Day sa inyo dyan sa US!!! Imagine America before was colonized or been subordinated to British and now, being one of the strongest countries in the world. Anyway, masarap naman talagang maging malaya

As far as my memory can recall, naging July 4 ang celebration ng Independence Day dito sa Pilipinas (though alam naman natin talaga na June 12 ang Declaration of Independence ng Pilipinas from the Spanish Colonization for more than 300 years). After the Spaniards dwelling our beloved land for three centuries, here comes the White Invaders and colonized Philippines for more or less 50 years. I think it was during the Commonwealth Government nang gamitin ang July 4 as the Day of Independence, then it was changed back to June 12 during the time of former president Diosdado Macapagal. Medyo rusty ang History knowledge ko, so kung may mali sa details, you may let me know, please.

Masarap ang maging malaya. Hawak mo ang sariling mong buhay, oras, panahon at tadhana. Ung paggising mo sa umaga, hanggang sa pagtulog mo sa gabi, nagagawa mo ung mga gusto mong gawin. Gaya ng mga freelancers, malaya silang nakakapili ng mga gagawin nilang trabaho at kung anung oras nila gustong gawin ang trabaho. Pero sabi nga nila, masama din ang sobra. Naaabuso din kasi ang pagiging malaya. Lahat ng tao, halos nagiging "entitled" na dahil sa pagiging malaya. Gaya sa Facebook, kahit sino pwedeng magpost ng kung anu ano, magcomment ng gusto nilang sabihin, o ipahayag ung mga saloobin nila. Pero dahil sa may kanya kanya tayong paniniwala o paninindigan, hindi na maiiwasan ang pagkakaroon ng pagtatalo. Debate kung sino ang tama, debate kung ano ba ang nararapat, debate kung sino ang mas magaling. Sa bandang huli, wala pading nakakaalam ng tunay na sagot o solusyon.

Well, everybody's entitled on their own beliefs. Yun ang alam nila at un ang paniniwala nila. Hindi naman natin pwedeng sabihing mali agad sila o tama tayo. Sa akin lang, RESPECT and REFLECT. Lahat naman tayo may nalalaman, may karapatan, iba iba lang tayo ng pakikitungo sa mga nalalaman natin. May kanya kanya tayong paraan. Kaya respeto at tamang pakikitungo.

Gaya dito sa Read.cash, malaya kang magsulat ng gusto mong article. Walang pipigil sayo (bukod lang sa plagiarism rule). Karapatan mong sabihin ang gusto mo. Ang importante, respeto sa isa't isa. Babush!!!

3
$ 0.01
$ 0.01 from @TheRandomRewarder
Avatar for engrhisrael
4 years ago

Comments

Okay lang po yan ang importante gumagawa tayo ng paraan na kahit papanu kumita tayo. Katulad po ngayon na ginagawa natin dito ki readcash. Aminin natin andito tayo nagtsatsaga at nagsisipag para makakuha ng malaki laking points at makapag pay out kasi makakatulongbito sa atin. Kaya malaking pasasalmat padin ki readcash kasi hindi nya tayo binigo at kahit papano may napagkakakitaan tayo :) ingat po palagi sana mkakuha tayo malakingbpounts pagising natin lahat :) good night

$ 0.00
4 years ago