What's for today 06/30/2020

0 33
Avatar for engrhisrael
4 years ago

Good day! Huling araw na ng buwan ng Hunyo. . . ang bilis ng panahon. . . 6 months to go Christmas na. . . Parang kelan lang nung huling Pasko, nakumpleto kaming pamilya after 8-9 years. . .

When my sister and nephew went to United States last 2011 - 2012, it was one of most unforgettable and loneliest moment. . . . For the longest time, mawawalay sila sa piling namin ng mommy, next to the moment my dad went "ober the bakod." Siyempre iba pa din na magkakasama kayo sa iisang bubong. Nagagabayan ang isa't isa, nagtutulungan pag may problema, nagkakasayahan pag may mga magagandang bagay na nangyayari.

Hindi habang panahon, palaging magkakasama. Kelangan ding lumayo upang mas lalong tumayog at tumibay ang pagkatao. Minsan sa buhay, kelangan magkaroon ng sariling pundasyon at pagtahak. Kelangan nating gumawa ng sarili nating istorya ng buhay. Parang sa isang ama na kelangan magtrabaho sa malayong lugar upang maitaguyod ang pamilya, parang magkasintahan na nawalay sa isa't isa, upang mag-grow at magmature. Parang isang inakay na nasa dulo ng pugad, upang matutong lumipad, o isang batang bibe na nasa isang batis, upang matutong lumangoy.

Lahat nang bagay alam naman natin na hindi madaling gawin o madaling maatim. Maraming pagsubok ang kelangang haharapin, maraming problemang kelangang ayusin, maraming harang na kelangang madaanan. Dugo, pawis at luha ang ilalaan natin. Katatagan ng loob, kalakasan ng paniniwala, tibay ng pag-iisip at mga pangarap na inaasam ang sandata natin. Diyos at mga mahal natin sa buhay ang siyang sandigan natin. Kaya sa huli, sabi nga nila, kapag nalagpasan ang lahat ng mga pagsubok, eto ung masasabi mong "Nagtagumpay ako / kami".

Naiiyak ako habang ginagawa ko tong article. . . Dahil namimiss ko ang pamilya ko. . . sobra. . . Si mommy, si daddy, si ate at ang nag-iisang pamangkin ko. . . . kaya nung umuwi ang ate at pamangkin ko last year from US, then my dad coming from Thailand, hindi ako nag-atubiling puntahan sila sa unit na nirentahan nila. . . I even skipped the company christmas party, just to be with them. . . . Iba talaga pag nakumpleto ang pamilya. . . kahit sa sandaling panahon. . .

Will end it here muna. . . Kaya sa mga buo ang pamilya, pahalagahan ang pagsasama. Sulitin ang bawat pagkakataon, at higit sa lahat, palaging ipadama na mahal na mahal nyo ang bawat isa. . . . . Babush!!!

8
$ 0.09
$ 0.09 from @TheRandomRewarder
Avatar for engrhisrael
4 years ago

Comments