What's for today 06/23/2020

0 5

Good day. . . Another week, yet hindi naging maganda ang simula. . . one word. . . SCAM. . . yes, this very disgusting word ruined the start of the week. . .

Some people will do anything just to get what they want, kahit sa anung paraan. Ang nakakalungkot lang isipin, ganito na ba sila kadesperado at kailangan pa nilang lokohin ang ibang tao para lang makuha nila ang mga bagay? Ganito na ba kaganid ang tao para lamang sa mga materyal na bagay na hindi naman magtatagal? Ganito na ba talaga ang paraan para lamang mabuhay? Panu nila nasisikmura ang paggawa ng masama para lamang matugunan ang mga pangangailangan nila?

Hindi ko alam kung dapat ba akong magalit o maawa sa mga ganitong klase na tao. Sapat bang dahilan ang sitwasyon ngayon para lamang ma-justify nila na kaya nila ito nagagawa. . . Naiisip ba nila na kung mas may kailangan ba ng mga nabiktima nila ung mga dinugas nila (pambayad sa utang, pambili ng pagkain o gamot, pantustos sa pamilya). Sadyang nakakasama ang pagiging makasarili ng tao.

Nang malaman naming SCAM ang kausap namin ng misis ko, dalawang bagay ang maramdaman ko, galit at lungkot. Galit dahil sa mga gawain ng ganitong tao, mga walang awa, mga hindi marunong lumaban nang patas. Lungkot dahil sa nakita kong umiyak ang misis ko, tila isang bata na noon lamang nasaktan. Proud ako na ang misis ko, walang ginulangang tao. Kahit kailan, hindi nag-isip nang masama ang misis ko sa lahat ng mga nakakausap nya. Kaya napakasakit sa akin na makita kong na para syang binagsakan ng langit. Pero mas nalulungkot ako sa taong gumawa nito. Eto nalang ba talaga ang paraan nya para mabuhay? Matatanggap kaya ng konsensya nya na mali ang ginawa nya? Panu kung wala na syang maloloko pa, panu na sya mabubuhay?

Magsisilbing aral ito sa amin ng misis ko. . . Kakilala man o hindi, wag madaling maniwala. Kaya ang sabi ng iba, ang tiwala ay nakapahalaga para sa isang tao. . . kapag ito'y nasira, napakahirap nang maibalik pa.

Ipagdadasal nalang namin ang taong gumawa nito sa amin. Na sana, sa mabuti nya gamitin ang mga bagay na nakuha niya, hindi lamang sa amin, pati na din sa mga nabiktima nya. At nawa'y makamtan nya ang kapatawaran ng Panginoon. Maraming salamat. Babush!!!

4
$ 0.00

Comments