Good day po sa inyong lahat!!! Matatapos nanaman ang isang araw. . . . Actually wala akong masyadong nagawa for today. . . . I just had a Hangout Meeting with the Managing Director, and discussed the required job for a particular project. . . . . Then I just waited for his email on instructions and plans from the builder. . . Wala akong nagawang quotation. . . . I have to do at least one, kasi kelangan sa stats. . . . .
Anyway, quite sleepy nako, but I'm checking a lot of floor plans and elevations, para sa trabahong gagawin ko for the next few days. . . Medyo nakakahilo sa dami pero nakagawa nako ng list of reference para madaling hanapin ung kelangan kong floor plan or elevation ng isang room. . . . Pero mas mapapadali kung may bigay na from the builder, para edit nalang ng edit. . .
After ng shift ko pala, I had a Zoom Meeting with one of my Ate's friends. . . . And he discussed to me the opportunity that will profit not only the both of us, but the community as well. . . So pinakinggan ko, and it was phenomenal. . . . . . Malaking potential lalo na sa panahon ngayon ng pandemic. . . Looking forward to do business and start my own, along with what I'm doing right now as a designer. . . . .
Nagbigay pala ng update ung isang kasamahan ko regarding sa isang project na inaayos namin, at mukhang maganda ang feedback. . . . magtuloy tuloy na ang desisyon ng kliyente para masimulan na ung project. . . . at magawa na ung susunod na project nila. . . . . Tapos nagbigay na din ng listahan ng potential projects na pwede naming trabahuhin. . . . . Keeping my faith and always claim. . . Para maganda ang pasok ng taong ito. . .
Sa Sunday, Mother's Day na. . . . . . especial na araw para sa mga Ilaw ng Tahanan. . . . . Nag-iisip ako kung anu pwedeng regalo o kung anu na ibibigay sa Mom ko. . . . Pero dahil sa pandemic at ung hindi pa naayos kong bike, eh will look for other options. . . Namimiss ko na din cya, lalo na't mag-isa lang sya sa bahay. . . . . Once na maayos ang bike ko, pupunta ako agad sa Malabon. . . .
Dumating ung order kong keyfob. . . leather ung material. . . Maganda, maayos, simple at pulido ang gawa. . . . . Nakita ko na ung address nung supplier, sa Marikina. . . Sabi ko nga sa misis ko, dapat pala pick-up nalang para nakatipid sa shipping. . . . kaso lang hindi naman din malalaman ung address kung hindi muna oorder sa kanila. . . tapos umorder din kami ng Rite n Lite. . . Nang magkalaman naman ung fridge. . . Better than Coke or Pepsi, zero calories and quite healthy ung Rite n Lite. . . . . Favorite flavor would be Rootbeer, and Lemon/Lime for my wife. . . May free pang isang can na ibang flavor, Green Tea + Apple. . . Will try other flavors (Cucumber, Orange and Lemon) once maubos ung order namin. . . . .
So eto ung nangyari for today. . . . random things. . . . ciguro stress lang ako for today. . . . Maybe need to have pamper time. . . . . para lumabas ung lahat ng toxins sa katawan at sa isipan. . . . Oh before I forget, have to buy treats for our dogs. . . naubos na ung stock namin. . . pati ung bite toy na binili namin recently, naku hindi na tumagal. . . . ang titindi kumagat. . . . lalo na pag pinagsama mo silang dalawa, walang ginawa kundi magkagatan hanggang may umiyak na sa kanila. . . sinusuway namin pag ganun, kasi ayaw naming isipin nila na tama ung ganun. . . . kelangan controlled ung biting tendency nila. . . . pero in fairness sa kanila, hindi sila ilang sa tao. . . . kaya nga baka one time eh sumama sila sa iba (naku wag naman sana). . . first babies namin sila kaya d pwede. . . . .
Anyway, have to rest na muna. . . . matinding trabaho ang gagawin ko bukas. . . . baka hindi ako makagawa ng article for tomorrow (but still will try cyempre, eto kasi ang stress reliever ko). . . Good night guys. . . Babush!!!