What's for today 05/02/2021

1 31
Avatar for engrhisrael
3 years ago

Good evening guys! Kakatapos ko lang gawin ung stats ko for tomorrow's meeting. . . Medyo natagalan kasi ung inayos kong quotation. . . pero at least okay na, ipapacheck nalang bukas for comments and recommendations. . .

Dapat kaninang hapon may kameeting akong supplier. . . kaso rescheduled dahil pagod ung sales rep na dapat magpepresent. . . well blessing in disguise na din kasi baka until now hindi ko pa natapos ung quotation. . .

Speaking of quotations, I remember before nung nasa previous work ako. . . I was a Sales Engineer that time. . . Eto ung second job ko after magBPO ako. . . . . So I remember nung na-interview ako sa Makati. . . . It was an old building. . . . As in talagang matagal na ung building. . . Sa ground floor, may showroom. . . . . tapos 2nd to 4th, offices and training school, at ung 5th, office ng pinakaboss. . . So 3 ung nag-interview sa akin, 2 product managers and 1 tech support head. . . .

Actually nung nandun ako, d ko sure kung anung meron sa company na yun, pero naging interesado ako sa title na "Sales Engineer". So engineer pa din ung profession. . . So I just said na regarding sa pagbebenta ung trabaho. . . So correct naman daw ako, ang nadagdag lang, kelangan maging expert sa product, sa technical and sa demonstration. . . . .Well it was a challenge din kasi, it will be the first time na nagbebenta ako ng bagay na dapat alam ko by heart at face-to-face with the customer. . . hindi kagaya nung nasa BPO ako, kelangan mo lang gumawa ng magandang spill para ma-attract ung caller to avail the promo or the program, without even facing them. . .

Luckily naman, may mga demo units available sa showroom, for the first 6 months, walang ginawa kundi tambay ng showroom (at ng demo room) at magkakalikot ng mga gamit dun. . . . Setup dito, setup doon, operate ng ganito, operate ng ganyan. . . . . Basa ng brochures, ng manuals. . . . . Testing ng equipment. . . . Kung minsan sumasama ako ng mga product demonstrations outside the office. . . at dun ako nag-enjoy. . . Kasi pag nasa labas ka na, malaya ka na (well not the freedom literally). . . Malaya ka na ung makakadiskarte ka ng panu talaga ang kalakaran sa ganitong trabaho. . . . Masaya din kasi mag-naaaral mo ng husto ung produkto, lalo na pag actual set-up na. . . Tapos makakakwentuhan mo ung mga kliyente, minsan mga experts sa ganitong larangan. . . .

Kung minsan, pumupunta din kami sa mga project biddings, dun mas lalo akong namangha kasi, madami palang kumpanya na kapareho ng trabaho ko. . . . . kasi sa totoo lang, sa akin, malaki pala ang sakop nung trabaho ko. . . .pwede kami sa government, pwede kami sa private. . . . tapos ung mga industries, pwede sa school, sa simbahan, sa mga entertainment theme parks, sa mga teatro, sa mga hotels, sa mga casinos, sa mga performing art centers, mga corporate office, commercial spaces, amusement place, transportation facilities, TV networks, etc. . . Tapos nakakarating pa ng probinsya. . . .

I remember nagstay kami sa Pampanga for 3 days, for the troubleshooting and programming nung project. . . . . habang on-going ung event, nakatutok kami kung sakaling magkaproblema. . . then every end of a program, magcacalibrate and testing kami to see if there're some issues. . . . Well hindi naman lahat ng system eh perfect ang result. . . . . . kasi ung issues, lumalabas nalang pag actual nang gumagana ung system. . . . . . Theoretically, walang problem, pero pagdating sa actual, madaming factors that affect the outcome. . . . So after the 3rd day, balik na kami ng Manila, and inayos ung mga na-encounter na issues. . . . .

Ilang beses naulit ung ganung scenario, sa iba't ibang projects namin. . . . . meron ung nasa TV Studio kami para magset-up at panoorin ung program, meron ding nagstay kami sa isang kumbento para ayusin ung lumang system na ginagamit ng mga madre. . . Meron ding ung every week, pabalik balik kami sa Batangas, dahil 3 sites ung kelangan ma-ocular. . . Then meron din ung pumunta kami ng Cebu at Davao, para lang mag-inspect at magtroubleshoot. . .

Pero what's cool talaga? Ung laging libre ung pagkain hehehehe. . . . ung isang Product Manager, galante kasi. . . . So everytime na nasa labas kami, hindi pwedeng hindi kami kakain sa mga fancy restaurants. . . . Kung minsan kahit walang ocular o demo, pag nagyaya sya, lahat ng ahente, kasama. . . kung minsan, pinagagawa kami ng OB form para lang lahat kami wala sa office (medyo maingay kasi ung presidente namin, at ayaw nya na may taong naiiwan sa office. . . . . kasi ang Sales, dapat talaga nasa labas lagi). . . So for the past 2.5 years, naging ganun ung takbo ng trabaho (though promoted to be a tech head and product manager for a year).

Anyway, nagutom ako bigla sa sinulat ko. . . and medyo late na din. . . Maaga pa bukas. . . Cge dito nalang muna ha. . . Babush!!!

2
$ 4.06
$ 4.06 from @TheRandomRewarder
Avatar for engrhisrael
3 years ago

Comments

Pwede pala tagalog akala ko hindi hehehehe. Panay english ako sa mga article ko na nakakanose bleed tas pwede lang pala magtagalog hahahaha

$ 0.00
3 years ago