What's for today 04/28/2021

0 30
Avatar for engrhisrael
3 years ago

Good evening guys!!! Two days remaining at matatapos na ang buwan ng Abril. The last Wednesday for this month. . . It's quarter to 7 and dinner time. . . Pero gawin ko muna tong article bago kumain. . . . hirap minsan mag-isip nang busog. . . Lahat ng dugo mo nasa tiyan pa. . .

Anyway, I just finished watching Shazam in Netflix, and I know familiar kayo sa movie na to. . . It's about a boy who's looking for his biological mother, but rather he was found by a wizard and was given to him the power of Olympian Gods and heroes. . . . Together with foster siblings, Shazam was able to defeat and capture the "The Seven Deadly Sins" monsters and brought back to the lair and forever locked in its statue form. . . . It's a combination of comedy, action, and fictional scene. . . . . Pero what truly captures my attention is the importance of having a FAMILY. . . .

Imagine, being alone as early as 5 years old, I would say is very tragic. . . Yes you may not understand it at first why you've been left alone. . . You keep on looking for the reason, and the answers you keep searching for your whole life. . . . Kahit ako siguro ang nasa position nung bata, mapapaisip din ako sa murang edad kung bakit ako naging mag-isa. . . Kaya ung ibang bata sa bahay-ampunan, madalas may mga tumatakas dahil gusto nilang makita ang tunay nilang mga magulang. . . Kasi sa kanila mo malalaman ang katotohanan, kung bakit ka nandun sa lugar na un, kung bakit ka nandun sa sitwasyon na un, kung bakit kelangan mong harapin ang tadhana nang mag-isa. . . . . But there's a saying, Truth hurts. . . . . Anu ba ang tunay nilang dahilan bakit kelangan ka nilang iwan mag-isa? Dahil ba sa kahirapan? Dahil ba sa hindi nila kaya ang responsibilidad? Dahil ba sa takot? Dahil ba sa trahedya? Dahil ba sa isa kang produkto ng isang malagim na pangyayari? o dahil ba hindi ka kasama sa plano nila? . . . . Kung anu man ang kasagutan nila sa tanong, masakit pa ding tanggapin ang katotohanan. . . Iisipin mo na bakit ikaw pa ang naging biktima ng ganitong pangyayari. . . Kaya pag nalaman mo na ang katotohanan, anu ang susunod mong hakbang? Pickup the pieces of the past and mend it/fix it, or move on to your new life and embrace it. . . .

Masarap na kumpleto ang pamilya. . . . . . pero panu mo masasabing "pamilya"? Kapag may tatay, nanay, ate at kuya lang ba? Dahil ba nandyan sila lahat sa harapan mo, masasabi mong kumpleto ang pamilya? Panu kung wala ang tatay? Panu kung wala ang nanay? Panu kung magkakasama nga pero parang malayo sa isa't isa? Panu kung nalaman mong may ibang pamilya ang tatay? May ibang pamilya ang nanay? May kapatid ka sa labas? Isa kang ampon? Iba na ang tatay mo? Iba na ang nanay mo? Ako, aaminin ko, may mga kapatid ako sa labas. . . May ibang pamilya ang dad ko. . . . Pero hindi naging hadlang un para mawala ang pagmamahal ko para sa dad ko. . .

Before matindi ang galit ko sa dad ko, palagi kong tinatanong sa kanya na bakit nya nagawa un. . . Naalala ko ung sinabi ko sa kanya, "Kung talagang matalino ka Dy, bakit hindi mo naayos ang problemang to?". . . . I remember na tinawanan nya ako nun at sinagot nya sa akin, "Bata ka pa, at hindi mo pa maiintindihan ang sitwayson ngayon. Pagdating ng panahon, maiintindihan mo din ako." So naintindihan ko na ba ang dad ko, honestly hindi pa. . . . Siguro nga dahil wala pa ako sa sitwasyon nya. . . . . Pero napatawad ko na ang dad ko long time ago. . . . . kung ang Diyos, pinapatawad tayo sa mga kasalanan natin, tayo pa kayang tao. . . . . Sabi nga nila "Forgiveness is understanding, Not Justification."

So anu nga ba ang pamilya para sa akin. . . Ang masasabi ko lang, ang pamilya ay binuo nang may pag-uunawa, aruga, malasakit, integridad, lakas ng loob, yapos ng pagmamahal, at agapay ng Panginoon. . .

Etong mga sinasabi ko ay personal kong opinyon lamang, kasi eto ung pakiramdam ko patungkol sa story at sa nangyayari sa buhay. . . . I'm not saying na tama ako, dahil may sarili tayong paniniwala. . . Kung may iba kang pananaw, I truly respect it. . . So panu kain na muna ng dinner. . . . Will be back tomorrow. . . Babush!!!

1
$ 0.58
$ 0.58 from @TheRandomRewarder
Avatar for engrhisrael
3 years ago

Comments