ExtrAmazing Race

0 6
Avatar for energetic_kid
3 years ago
Topics: Life, Writing, Experiences, Blog, 2020, ...

Jace's POV

Pagkagising ko sa umaga ay agad kong tinignan ang phone ko na kanina pa tunog ng tunog.

Nagulat ako sa aking nabasa. Hindi maaari ito. Bakit ngayon pa? Bakit pa kasi kami naligo sa ulan kahapon? Ayan tuloy nagkasakit na si Janine, baka nga hindi na kami matuloy dahil dito.

Dali-dali na akong bumaba para kumain at pagkatapos ay naligo na ako. Sa banyo na rin ako nagpalit ng damit para mabilis akong makakapunta sa school para alamin kay ma'am kung ano na ang aming gagawin.

Pagkalabas ko ay nagulat ako sa aking nasaksihan. Naririto pala sa dorm ngayon si Ma'am Maricar, siyempre binati ko muna siya ng magandang umaga tapos agad ko na siyang tinanong kung matutuloy ba kami o hindi. But if I were to decide baka hindi na kasi kulang na kami.

I was expecting na sasabihin ni ma'am na hindi na kami matutuloy dahil nga sa nangyari but I was shocked ng sinabi niyang "May substitute na rin si Janine at siya pa ang mismong nagsabi sa akin na itong tao na ito ay alam niyang makakaya niyang tulungan kayong dalawa since as far as she know daw, you know each other na."

Ang mas ikinagulat ko ay nang sinabi ni ma'am na si Anne daw ang papalit kay Janine. I believe na makakaya naman ni Anne kaya I am slightly confident naman na makakaya naming tatlo ito.

--*-- 


Juan's POV


I can't still believe what had happened. Naawa ako tuloy ako kay Janine.

Nang bumungad pa lang ang mukha ni ma'am Maricar ay tila pinalibutan na ako ng kaba.

Mas lalo pa itong tumindi sa binalita niya ngunit buti na lamang at nariyan si Anne para maging substitute.

Ayos na rin 'yon. Basta mas magiging determinado kami ngayon lalo pa't alam kong umaasa si Janine sa amin.

We'll work hard for it.

Pagdating sa venue, napansin naming kami ang nauna.

Pagkatapos ng ilang sandali pa ay nagsidatingan na rin ang mga kalahok. Pagkatapos ang registration at ng makuha namin ang aming mga name tags at numero ay agad ng sinimulan ang opening program.

....Opening Prayer

....National Song

....Provincial Hymn

....Opening Remarks

Hinayaan ko na lang na lumipad ang oras at ang nakakatuwa ay hindi ko namamalayang patapos na ang speech.

"....Let the Extramazing Race Begin!" Malakas na sabi ni Dr. Michael, ang President ng UM .

Agad na kaming nagsitakbuhan para pumunta at kunin ang unang hint.

Takbo rito, takbo roon. May ilan na ring nadapa, pero agad ding tatayo at pakakakitaan ng determinasyon mula sa kanilang mga mata. Talaga namang gusto nilang makuha ang grand prize.

Mukhang mahirap ito. Siyempre, sa pangalan palang idinescribe na nito ang buong activity. Walang duda, unang hint palang para malaman ang susunod na hint mahirap na. 'Twas a tough Start.

"What is greater than God and more evil than the devil. The poor have it, the rich need it and if you eat it you'll die?

0
$ 0.00
Avatar for energetic_kid
3 years ago
Topics: Life, Writing, Experiences, Blog, 2020, ...

Comments