Anothermazing

0 15
Avatar for energetic_kid
3 years ago
Topics: Story, 2020, Life, Math, Riddles

Ano pa kaya ang mas nakakahigit sa Panginoon, mas demonyo pa sa demonyo, taglay ito ng mahirap, kailangan naman ng mayaman, at kapag kinain ko ay mamamatay ako.

Ano kaya ito? isipin mong mabuti Juan. Mukhang wala namang makakahigit pa sa Panginoon, gayundin sa demonyo. Tapos kung taglay ito ng mahirap at tsaka kailangan ito ng mga mayayaman tapos mamatay kapag kinain, isa lang ang naiisip kong sagot. Wala, oo wala naman talaga.

"Alam ko na!" sabi ko.

"So ano?" silang dalawa.

"Nothing" sagot ko. "Nothing? as in wala?" sabi ni Jace. Unti-unti nilang narealize ito at dahil mukhang nagsimula nang mag-akyatan ang iba para kunin ang susunod na clue ay umakyat na rin ako.

Nakita ko ang madaming cards sa puno na nasa harapan namin. Nang makaakyat ako at akmang kukunin ang card na may nakasulat na nothing, napansin kong may kasama na rin pala akong umaakyat, dalawa rito sina Jace at Anne. Sa palagay ko ay tutulungan nila ako pero since nakuha ko na ang kailangan namin ay bumaba na rin kaming tatlo.

Ngunit napansin ko ang ibang grupo, iba-iba sila ng kinukuha. Mauroon din namang kumuha ng tulad ng kinuha ko pero mabuti na lamang at nauna na kami sa pagkuha.

"The next clue is somewhere, the place is a Math Haven" Ito ang nakalagay sa Card, saan naman kaya namin mahahanap itong Math Haven na ito.

Iginala ko ng iginala ang aking mata ganon din ang mga kasama ko. Hindi muna kami kumilos ng kumilos, mahirap na baka malagpasan kasi namin ang next clue. Alam kong malapit lang dito yon pero parang wala naman yatang lugar dito na pakakakitaan ng math liban lang sa isang bagay na talagang tumatak sa amin.

Isang parte yon na may malaking artwork na mukhang mula sa basura pero ang galing ng gumawa kasi narecycle niya ito. Para itong Eye Glasses ngunit ang hugis nito ay parang isang math symbol, oo, yun ngang infinity symbol. Kaya naman pumunta na kami agad  sa kinaroroonan non mga labinlimang metro mula dito sa kinatatayuan namin ngayon.

Pagdating namin don, napansin naming tila wala pang tao ang nanggaling dito at ang ikinatuwa namin ay nandito nga yung susunod na clue. Pagkakuha namin ng Card, huminga muna ako ng malalim bago buksan ito, alam kasi namin na baka mahirap na naman ito.

Pagkabukas  pa lamang dito tumambad na sa amin ang mga math problems. Mukhang magagamit  na naman namin ang kagalingan namin sa Math.

"1. 6 multiplied by 6" 36, Madali pa lang ito.

"2. Square Root of 225" 15, Katamtaman lang.

.

.

.

"6. 1/3 + 5/2" Teka mukhang nalimutan ko na yung formula. Bigla kaming nakarinig ng yabag na papalapit sa kinaroroonan ko. Salamat sa Diyos at naalala ko na ulit kung paano. Tama! 17/6 nga.



"O R A N G E" Iyan ang nabuo namin na word, ano naman kaya ang ibig sabihin nito, ah baka nakalagay sa isang orange na prutas yung susunod na clue, iyan agad ang pumasok sa isipan ni Anne.

Lalabas na sana kami ng mapansin namin na narito na pala yung sumunod sa amin kanina at kung hindi ako nagkakamali ay sila rin yung grupong kapareho namin ng kinukuhang card kanina, kailangan namin silang maunahan.

Pero nabitiwan ko yung card ko kung saan nandoon yung sagot namin. Agad itong pinulot ni Jace, mahirap na baka makita nila yung sagot namin baka maunahan pa nila kami. Ng mapulot ito ni Jace, may hindi pa pala kami nababasa sa baba nito.

"Pick the card from the box beside you that corresponds to your answer by entering the password so that the card will come out. Don't Cheat! Then Proceed!"

Buti na lamang at nabasa ni Jace ito. Agad namang ininput ni Anne ang password na "orange." We made sure na hindi makikita ng kalaban ang password na nabuo namin.

Nang makuha ang card ay agad naman kaming lumabas doon at amin itong binuksan at binasa ang nakasulat.

Ito ang sinasabi sa next clue:

"How many eggs can you put in an empty basket one foot in a meter?"

Mistulang nagkabuhol-buhol ang utak naming tatlo pagkatapos naming basahin ang tanong na naglalaman ng next clue.

"Ano bang contest to, ang hirap naman ng mga tanong. Hindi na kakayanin ng utak ko." sabi ni Anne.

Sa halip na malungkot sa sinabi niya ay I smiled dahil I and Jace have found out the answer. The answer is only 1 egg.

Walang kinalaman ang sukat na sinabi, ang tinatanong lang kasi ay kung ilan ang kakailanganing itlog para magkalaman ang basket na walang laman.

We are about to find an egg nang malapit na naman sa amin yung isang grupo, I think they are from private school dahil mukha silang yayamanin sa suot nila. They are really determined kagaya namin.

Pareho yata kaming hindi agad sumusuko, pero dahil sa kagustuhan naming manalo kailangan na naming humanap ng itlog bago pa nila kami maunahan.

-2
$ 0.00
Avatar for energetic_kid
3 years ago
Topics: Story, 2020, Life, Math, Riddles

Comments