-Hola, konichiwa, Annyeong haseyo, Nihao, Good morning -Ilan lamang ito sa mga wikang banyagang umiiral sa Bansa -Dahil sa mga Banyagang minarapat manirahan sa Bansa -Kaya tayong mga Pilipino ay mahuhumaling na sa kanilang wika.
- Kilala mo paba ang wika ng mga Bicolano, Ilokano, Ilonggo, Bisaya,Maranao at iba pa -O ang ilan sa kanila ay nililimot at niyuyurakan na - Gaano kasarap bigkasin ang wika, Itong wikang humibog sa ating pagkatao't naging daan ng pagkakakilalan ng lahat.
- Ikaw, Ako Wika nati'y Filipino, Alagaan, Mahalin at paunlarin din natin -Wikang banyagang kinahuhumalingan natin -Marami sa atin ito ang Sinusubukang paunlarin - Nag sanga-sanga na nga, ang pag ibig sa ibang wika -Halos sa ati'y Hindi pinahalagahan, Hindi yata minahal at pinalaganap ni minsan man.
-Isang mainit na laman ng balita noon -wikang Pambansa'y lilisanin na ngayon -lubhang nakakanginig ang balitang iyon -Nag ngangalit kong ngipi'y di maipaliwanag ngayon - Bakit nililimot ang sariling wika
- At gustong gamitin ang wikang banyaga - Hustisya sa wikang Pambansa - Ako'y nalulungkot at napapaluha -Masakit isipin ang balitang ito -Dahil mahal ko ang wikang Filipino -Sana'y mag isip ka at gisingin ang diwa -Dahil panukala ay napakasama
-Kayat kapwa ko Pilipino Binibini, Ginoo -Huwag pabayaan ang panukalang ito -Mahalin natin ang wika, Dahil Pilipino Tayo -Pilipinong totoo, Mapagmahal sa wika at sa baway Pilipino..
Sabi nga n Dr. Jose Rizal ang di mag mahal sa sariling wika ay higit pa sa mabahong isda.