Mahal ko, paalam na (Part 2)

0 1
Avatar for ellimacandrea
3 years ago

Naranasan mo na bang magmahal? Naranasan mo na rin bang mahalin?

Napakasarap sa pakiramdam na nagmamahal ka at ang pagmamahal na iyon ay nasusuklian ng pagmamahal din. Labis itong nagpapasaya sa atin.

Maraming pagsubok man ang iyong tatahakin, alam mong ito'y iyong kakayanin sapagkat meron kang rason. Meron kang rason upang magpatuloy. Ngunit papaano kapag dumating ang oras na ang mahal mo'y may iba nang sinisinta?

Nung una sabi ko ay hahayaan ko na lamang siya . Kahit mahirap. Kahit gumuguhit sa aking puso ang sakit. Kahit na pakiramdam ko ay katapusan na ng aking mundo. Ako ay nagparaya. Ngunit nung malapit ko ng makalimutan ang sakit, siya ay bumalik.

Nabuhay muli sa aking puso ang maliit na pag-asa. Naisip ko na baka pwede pa. Baka nagkamali lang sya at baka pwede kaming mag-umpisa. Kung dati'y gusto ko syang kalimutan, ngayo'y nais kong kalimutan ang kanyang pagkakamali. Nais kong tanggapin sya ulit sa aking buhay.

Sabi ng aking mga kaibigan, "Girl, tanga ka ba or nagtatangatangahan ka?"

Naiintindihan ko naman sila sapagkat sa panahong ako'y kanyang sinaktan nandiyan ang aking mga kaibigan. Sila ang tumulong sakin upang unti unti ko syang makalimutan.

Ano kaya ang dapat kong gawin? Abangan...

1
$ 0.00
Sponsors of ellimacandrea
empty
empty
empty

Comments