Mahal ko, paalam na (Part 1)

0 5
Avatar for ellimacandrea
3 years ago

Malinaw pa sa aking isipan ang mga salitang kanyang binitawan.

"Si Andeng ay naging parte ng buhay ko. Si Dhang ang buhay ko."sabi nya.

Unti unting tumulo sa aking mga mata ang mga luha na matagal kong pinipigilan. Siya. Siya ang dahilan kung bakit ako lumalaban sa buhay. Siya ang dahilan kung bakit kahit gusto ko ng mawala ay pinilit ko itong labanan.

Siya. Siya na labing apat na taong gulang pa lang ako ay mahal ko na. Mahal ko na aking plinano na siyang aking mamahalin habang buhay. Mahal ko na inalayan ko ng kanta. Na sinikap kong intindihin. Na sinikap kong unawain kahit na kami ay malayo sa isa't isa. Sabi ko, "Anong magagawa ko, eh mahal ko?".

Pinilit kong lumayo. Tiniis kong hindi siya kausapin. Nawalan kami ng kumunikasyon. Akala ko'y tuluyan ko na siyang malilimot. Ngunit sadyang nananadya ang panahon.

Siya ay bumalik. Bumalik sa buhay ko. At hindi ko maintindihan kung ito ba'y upang ipagpatuloy ko ang pagmamahal ko sa kanya o upang lagyan ng katapusan ang puso kong patuloy na umaasa?

Abangan ang susunod na kabanata...

6/7/2020

1
$ 0.00
Sponsors of ellimacandrea
empty
empty
empty

Comments