Noong isang buwan ay aking napag desisyunan na gamitin ang aking ipon upang masimula ng isang maliit na negosyo. Ang negosyong pinasok ko ay ang maging reseller ng frozen products ng Chooks to go. Siguro marami na din sainyo ang nakakakilala sa chooks to go.
Nag simula ako sa maliit na puhunan na 5500 pesos. Ang minimum nila ay 5000 pesos. Marami rami din ang aking na order. Iba't ibang klase din. Nung una ay ako muna ang bumili ng sarili kong binebenta upang malasahan ko ito. At masarap naman talaga. Lalo na yung Fried chicken nila na may kasama ng breading at gravy.
Meron namang bumibili pero kakaunti pa lamang dahil hindi pa alam ng mga tao na ngtitinda na ako. Dahil ito ay mga frozen products, meron lang itong shelf life na 2 weeks. May iba na umutang ng products at hindi pa ito nababayaran.
Naiinis talaga ako kasi hindi naman ako ang ngpa.utang kundi yung pinsan ko na kasama namin sa bahay. Pati yung pinsan ko ay may utang din. Nanghihinayang talaga ako sapagkat hindi ko nabawi ang 5500 pesos ko. 5000 lang ang nabawi ko.
Ngayon ay ng reorder ako pero worth 3000 pesos lang. Buti na lang pumayag sila. Ngayon nag iisip ako ng paraan para hindi ako ma.lugi at mapa.rolling ko ang puhunan ko?
Any business advice po? Pa-help naman oh. May experience po ba kayo sa pagiging reseller? Thanks.
:)ellimacandrea
Ako ngrereseller ako noon, kaso hindi ako nagpapautang 😂 Pinaiikot ko lang kasi yung puhunan ko haha.