14 days

2 10
Avatar for ellimacandrea
4 years ago

14 days.

Hindi ko akalain na mararanasan ko rin ang sinasabi nilang stay at home. Akala ko ay lilipas itong pandemic na nararanasan ng buong mundo na hindi ko ma.e.experience ang lockdown.

Ironically, 2 days before ma-lift ang GCQ, sinubukan kong umuwi sa aming bayan upang i.celebrate ang 21st birthday ng bunso naming kapatid. Umuwi kami ng Sabado ng tanghali. Naghanda para sa kaunting salo-salo. Dumalo ang aming pinsan at kapatid galing sa ibang bayan. Pero social distancing padin.

Natapos ang selebrasyon ng bandang alas-singko ng hapon. Lumabas muna kami upang magpahangin. Bandang alas-sais ng gabi, inanunsyo na merong nag-positibo sa Covid19. Agad-agad kaming umuwi sa aming bahay.

At kami ay isinailalim sa 14 days total lockdown. 14 days kaming kailangan sumailalim sa lockdown upang hindi na lumala pa at hindi na maghawaan. 14 days akong mananatili dito sa aming bahay. Nakakalungkot kasi no work no pay. Pero wala naman akong magagawa. Ngayon ay pang walong araw na namin na nka lockdown. Nagpapasalamat din kami sa tulong ng barangay sapagkat binibigyan naman kami ng relief goods.

Sa ngayon, natatawa ako sa sitwasyon sapagkat masyado akong abala sa trabaho at ngayon ay nabigyan ako ng pagkakataon upang makapagpahinga at i.enjoy ang araw na ito.

Nagtitiwala ako na lilipas din itong suliranin natin. Manalig tayo. Manatiling masaya sa bawat suliranin. Kaya natin ito.

3
$ 0.00
Sponsors of ellimacandrea
empty
empty
empty

Comments

Sana matapos na tong lockdown miss kuna umuwi sa probinsya sana humilom na ang sugat dito sa ateng mundong ginagalawan gumaling na ang mga may sakit๐Ÿ™๐Ÿ™

$ 0.00
4 years ago

Lahat Po tayo subrang hirap dahil sa pandemya na.naidulot sa bansa natin Sana nga mawala na to para maging norman na .

$ 0.00
4 years ago