read.cash Log in
@dyemi

Paalam

*Ang pangako natin na di napanindigan,* *Nangakong sa hirap at ginhawa na tayo'y mag tutulungan,* *Ngunit ngayon nasan ka?* *Bakit ikaw ay naglaho na parang bula?* *Hanggang kailan,* *Hanggang saan,* *Hanggang kailan mag titiis,* *Alam kong dimo intensyon na saktan ako pero ako ngayon'y nag hihinagpis,* *Na dimo alam na habang sinusulat ko* *'tong tula na gamit ang lapis ,* *Mga luha ko naman ay gusto ng pumatak ngunit aking tinitiis.* *Ang sakit sapagkat diko agarang nalaman,* *Na ikaw palay lilisan ng biglaan,* *Kaya pala ika'y nag bago,* *Na pinapamukha mo ,* *Na wala akong halaga at kaya balewala sayo,* *Ang lahat ng ginawa ko.* *Ginawa ko naman lahat ,* *Minahal ka ng tapat,* *Di* *pa* *ba sapat?* *Animoy nag mistula kang kidlat,* *Napapikit mo ako at nagulat,* *Na saaking pag dilat,* *Ika'y nasapiling ng iba at huli na ang lahat.* *Di* *ko ginusto na mangyari ang mga bagay na to,* *Kasalanan ko* *bang napagod ako dahil pinapamukha mong wala na akong halaga sayo?* *Ayoko ng alalahanin ang mga alaala na pilit binabalik sakin ng tadhana,* *Pero bakit kailangan kopang masaktan ,* *Sa iyong biglaang paglisan.* *Diba ika'y nangako ,* *Nakahit anong pait ng kapalaran,* *Sabay natin itong lalagpasan,* *Ngunit ngayon ika'y sumuko na.* *Diko na alam kung saan ako patungo,* *Magmula ng tayo'y mabigo,* *Ang lahat ng masasayang alala na binuo,* *Ay nawala at nawasak kalaunay din gumuho.* *Nag bago ang lahat ,* *Nag bago ang mundo ,* *Bakas sayong mga mata na masaya kana sa buhay mo,* *At di ko intesnyon na manggulo pa,* *Ang gusto kolang ,* *At bago kita kalimutan ng tuluyan,* *Gusto kolang mag hatid ng  tula ,* *na hinango mula sa hiwaga ng ating pag mamahalan,* *Ika'y nangako ng walang hanggan ,* *Ngunit hindi mo iyon napatunayan* If you do have some time,you can visit my other articles😊 **Here's the link,just click it** https://read.cash/@dyemi/natures-beauty-9cde15c7 https://read.cash/@dyemi/true-friends-eff06153 https://read.cash/@dyemi/malaya-ka-na-d73f96f3 Salamat sa pagbabasa!😊Stay safe y'all!❤️

59 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.