Mt.maculot

0 17
Avatar for donnacute
3 years ago

Hello guys gusto ko lang sanang ikwento ang aking experience sa mt.maculot Batnagas :) first time ko kasi maka pag hike kaya sobrang memorable yun, actually hindi naman yun planado eh may nag aya lang samin ng kawork ko .

may 4 2019 3am umalis kami ng bahay (taguig) meeting place kasi namin sa moa (pasay) sobrang excited ako non medyo kinakabahan din dahil dalawa kaming babae na nagcocommute ng 3am syempre hindi mawawala yung takot na baka mamaya may biglang mang holdup samin "advance mag isip diba?" pero hindi naman mawawala yun sa isang babaeng commuters. but anyway hindi naman yan topic.

so ayun na nga nasa van na kami mejo mahaba ang byahe firsttl time kasi makapuntang batangas. pag dating namin ay mejo mag liliwanag na , nagsimula kaming mag lakad paakyat kanya kanyang kwentuhan at marami din kaming nakasabay na nagtetreck sobrang saya sa pakiramdam yung tipong kahit pagod ka na ay mawawala ang pagod mo.

nasa kalagitnaan na kami ng pag akyat nagpahinga muna kami, kaya lang nung mag start na ulit kami yung kasama ko ay biglang sumuko hindi na daw nya kaya, may kasama naman kaming tourguide na pwedeng maghatid ulit sa baba, pero nag dalawang isip ako kung ano ang gagawin ko kung sasamahan ko ba sya pero hindi ko makikita ang taas at ang point kung bakit kami pumunta don. buti nalang naisip nya ang sitwasyon ko, kasi balak ko talaga syang samahan, buti nalang sinabi nyang ok lang sya dahil may tourguide naman syang kasama at naisip nya rin ang kagustuhan kong matapos ang treck.

eto na nakarating na kami sa taas "wow sobrang ganda as in mawawala lahat ng pagod mo" picture dito picture don napaka gaan sa pakiramdam yung tipong masasabi mo nalang sa sarili mong uulitin ko to. napaka gandang experience para saakin .

after namin mag treck syempre may side trip din walang iba kung hindi sa FANTASY WORLD , ang ganda parang napunta sa ibang bansa 😊 sarap mag picture taking hehe sulit na ang 100 pesos na entrance fee kasi wala naman syang time limit 😊 kaya kung gusto nyo mamasyal go na kayo dito . promise mag eenjoy kayo:)

Thank you guys sa pag read more powers mga ka read cash happy earnings :) #readcash #legit

2
$ 0.00
Sponsors of donnacute
empty
empty
empty
Avatar for donnacute
3 years ago

Comments