isa ka ba sa nahuhumaling sa kdrama tulad ko? bakit kaya ganon nalang ang atingbkahumalingan dito,? sabagay hindi naman natin masisi ang mga sarili natin dahil sa ganda ng mga palabas nila, talagang madadala sa eksena nila ,mga kakaibang twist na hindi mo malalaman agad kung paano mangyayari sa kwento.
Hindi ko na rin mabibilang sa kamay at paa ng daliri ko kung ilang korean drama na ang napanuod ko mapa by episodes man to or movies,mas kilala ko pa nga yata sa pangalan at mukha ang mga artista sa korea kaysa dito sa Pilipinas sad but true, sobrang hinahangaan ko sila napaka galing nilang umarte 😊.
Ganon nalang ang lungkot ko ng may mabasa akong trending na post sa social media kung saan sinasabi na pangit daw ang ugali ng mga korean, kung ano daw ang bait at pagka perfect nila sa camera ay kabaligtaran daw yun sa personal. ayokong maniwala sana hindi totoo. baka pag napatuyan kong totoo yun mawalan akong gana sa kdrama.
Maganda yang kdrama na yan 😆 Medyo adik na rin ako sa kdrama ehh di nakakabagot panuorin kasi may halong comedy