ang aking kaibigan

5 13

may mag asawang John at Beth at meron silang isang anak na si josh masayang namumuhay ang pamilya sila ay simple lamang nasa tamang antas ng pamumuhay, ngunit itong si josh ay walang kapatid kaya marahil ay kinakausap nya ang kanyang sarili habang naglalaro ito, isang araw ng sila ay kakainin na tinawag ni beth ang kanyang anak na si josh ,dali daling bumaba ang kanyang anak at inaya pa nya ang kanyang kaibigan na si "Z". Nag tataka ang kanyang magulang kung sino ang kanyang tinatawag pero binalewa lang nila ito.

Nang nasa hapag kainan na sila ay nagawa pang ipakilala ni josh si "Z" sa kanyang magulang . "mom dad eto nga pala si Z ang aking kaibigan" hindi naman nagulat ang kanyang magulang binati pa nila si Z na waring nakikita nila. pero ang totoo ay isa lamang itong kathang isip ni josh. kumakain na sila ng nagsalita ulit si josh ng "mom ayaw ni Z ng masyadong punong gatas" ang ginawa ng nanay ni josh ay binawasan nito ang gatas ni Z(at oo may saring pagkain si Z kahit ito ay kathang isip lamang).

kinabukasan papasok na sa paaralan si josh at sumasabay sya sa pinsan nyang si daniel, nakarating na sila sa paaralan at nagsimula na ang klase nag tanong ang guro tungkol sa kanilang napag aralan at lahat ng estudyante ay nagtataas ng kamay upang sumagot, si josh lamang ang hindi dahil abala sya sa pag guhit , hindi na iyon pinansin ng guro.

kinabukasan may exam sila josh abala ang guro nya sa explain kung pano ang gagawin ngunit wala parin pakialam si josh, nag iikot ikot ang guro upang tingnan kung nasundan ba ng mag aaral nya ang kanyang paliwanag, ngunit laking dismaya nya ng makitang gumuguhit na naman si josh imbes na mag sagot ng test paper, kinausap nya si pag tapos ng klase ngunit wala itong reaksyon sa kanyang guro. Nagpasya ang ginang na tawagin nalang ang nanay ni josh upang makausap nya ito tungkol sa kalagayan ni josh.

Sa paaralan mag kausap na ang guro at ang nanay ni josh sinabi lahat ng guro ang mga hindi magagandang ginagawa ni josh "hindi sya nakikipag kaibigan sa mga kaklase nya, hindi rin sya sumasagot pag tinatawag sya, umaalis sya sa oras ng klase at babalik lang kung kelan nya gusto, at ang masakit pa po ay marunong na sya mag salita ng masama" iyan lahat ang sinabi ng guro ni josh sa nanay nya at natahimik nalang ang ina at napaisip kung ano ba ang nangyayari sa kanyang anak.

Nang nasa bahay na sila kinausap ng nanay ni josh ang kanyang asawang si john, na hindi tama ang ginagawa nito dapat na siguro nilang ipacheck up ang anak nila ngunit hindi sumang ayon si john, nag suggest lang sya na baka pwedeng dalhin nya nalang si josh sa palaruan baka sakaling maging maayos ang lahat. at ganon nga ang ginawa ni beth.

Nagpunta sila sa isang malaking palaruan, kitang kita ang pagka bahala ni beth sa kanyang anak nakikipag laro si sa isang kathang isip na kaibigan, ng napalingon si beth sa anak nya na nasa padulasan waring may nakita syang kakaiba sa likod ng ni josh, isang napaka laking anino nag mamadali syang puntahan si josh at laking gulat nya ng makita nya si josh na walang malay.

Ngunit bigla syang ginulat ni josh at sabay sabing yehey i got you mom, ngunit kita parin sa ina ni josh ang pag alala.nung nasa bahay na nila kinausap ulit ni beth ang asawa at sinabi ang nakita nya, totoo si Z nakita ko sya wika nya sa asawa nya pinag walang bahala lang ito ni john.

kinabukasan dumalaw si beth at josh sa bahay ng pinsan nyang si daniel, naunang pumasok si beth at magkausap na sila ni josie ang kapatid ny na nanay ni daniel, ng biglang pusok si josh sabay tanong"nasaan si daniel?" nasa taas natutul... hindi pa tapos sa sabihin si josie ay dali dali na itong umakyat, napailing si beth sa ugaling pinakita ni josh, ilang minuto lang ang nakalipas laking gulat nh magkapatid ng may biglang bumagsak galing sa hagdan, si daniel na walang malay. pag tingin nila sa taas andon si josh at nakatin lang sa kanila na parang walang nangyari.pina alis sila ni josie dahil sa nangyari.

kaya Nagpunta sa isang kilalang doktor si beth upang ipatingin si josh. laking gulat ng doktor dahil may ganon din daw na kaso siyang na nahawakan na dati. isang batang babae , binagyan ito ng gamot ng doktor ihalo daw sa gatas ni josh. nang nsa bahay na sila gano nga ang ginawa ni beth, ngunit laking gulat nya at ayaw inumin ni josh ang gatas, utos daw ito ni Z . hindi na alam ni beth ang kanyang gagawin tinawagan nya ang doktor at narinig ito ng asawa nya ,galit na galit bakit daw dinalani beth si josh sa doktor ng wala nyang pahintulot.

Nagpatuloy parin si beth sa pag konsulta sa doktor. may ipinanuod ang doktor kay beth, isang batang babae na ipinapakilala ang kathang isip nyang kaibigan"HELLO eto nga pala ang AKIN KAIBIGAN SI Z" wika ng babae sa video, tinitigan mabuti ni beth ang batang babae na parang kilala nya ito, at habang tumatagal ang panunuod nya nag flash back lahat ng nang yari sa kabataan nya, at OO sya ang batang babae sa video at ang kaibigan ng anak nya ay ang dati nyang kaibigan, ginamit lang ni Z ang anak nya upang mapalapit ito sakanya, pero habang tumatagal ay sumasama na ang ugali ni Z sinunog nito ang bahay nila dahil nakita ni Z na masaya si beth kasama ang asawa nya, namatay ang asawa ni beth at hawak nito si josh, nagmamakaawa si beth kay Z." please pakawalan mo si josh sasama ako sayo ,sayo lang ako"yan ang sabi ni beth kay , at pinaka walan nga ito ni Z.

kinabukasan binigay ni beth si josh sa kapatid nya upang sya na ang mag alaga at sya ay pupunta na sa bahay nila kasama ni Z sila lang dalawa. laking gulat ni Beth pag dating nya sa bahay ay walang bakas ng sunog, nagsimula ang buhay ni beth kasama si Z, naglalaro nagbabatabataan at kung anu ano pang mga bagay na ginagawa nila nung bata pa si beth, bandang hapon laking gulat ni beth ng may paparating na pulis sa bahay nila, kasama ang doktor, "beth anjan kaba?alam kong anjan ka. patuloy na nagsasalita ang doktor at alam nyang nakikinig lang si beth, "ikaw ang lumikha sakanya isa lamang syang kathang isip, ikaw lang ang makakapag wala sakanya, napaisip si beth sa sinabi ng doktor at dali dali syang umakyat sa taas at nag tali ng lubid sa leeg, tuluyan nya ng tinapos ang lahat.

Thank you so much guys sana magustuhan nyo :) #readcash #legit

3
$ 0.00
Sponsors of donnacute
empty
empty
empty

Comments

Slamat sa pag bahagi kaibigan. etoy aking binabasa sa kasalukuyan.

$ 0.00
3 years ago

Eto pala ay isang maiksing novela. At akoy nag papasalamat sa iyong pag bahagi ng novelang eto sa plataformang eto. Nakaka tuwang makabasa ng ganitong novela dito salamat kaibigan

$ 0.00
3 years ago

Ako may nabigla dahil isa pa la siyang maikling novela.

$ 0.00
3 years ago

maraming salamat po 😊

$ 0.00
3 years ago

salamat sa pagbabasa ako ay gagawa ng mga maikling nobela sa susunod

$ 0.00
3 years ago