Si Ella

3 12

Bibong bata si Ella, pangatlo sya sa apat na magkakapatid na naninirahan sa isang nayon kasama ng kanilang magulang na magsasaka. Siya ay masayahing bata at mahilig makipag kaibigan, mahilig din syang kumanta at sumayaw. basta't makarinig lamang ng tugtog ay sumasayaw siya lalo na kung walang ibang nakakakita. May pagka mahiyain din kasi siya, nagsimula ito nung pinagsayaw sila ng kalaro nya sa isang party kapalit ng bente pesos na premyo galing sa kanyang ninong, okay naman ang lahat ng maya maya ay may isang maedad ng lalaki ang lumapit sa kanya at binulungan siya "ang pangit mo naman sumayaw"... Nagulat si Ella, bilang bata bumaba ang tingin nya sa sarili at biglang nahiya dahil sa narinig kaya nagpasya sya na itigil na ang pagsayaw. Walang nakaka alam ng bagay na iyon na sinabi ng lalaki na tiyuhin ng kalaro nya, hindi rin naman siya nagsumbong sa kanyang magulang ngunit lubos nya itong dinibdib at hindi makalimutan.

Pumapasok na sa eskwela si Ella, grade 1 sya nung nagsimula ang hindi magandang karanasan para sa kanya. Palagi kasi siyang binubully at sinasaktan ng isa niyang ka kaklase, si Glady. Ayaw na ayaw nito na nauungusan ng kahit sino sa loob ng classroom at madalas niyang mapagdiskitahan si Ella, naroong sinusuntok nya ito sa likod o pinapalo ng lapis lalo na kapag nakasagot siya sa tanong ng guro. Gusto kasi ng batang si Glady na sya lamang ang magaling sa klase, kaya minsan, pinipili na lamang ni Ella na wag makisalamuha sa mga aralin kesa masaktan at awayin ng kanyang ka klase.

Nagpatuloy ang ganitong set up kahit tumungtong siya sa mga susunod na baitang sa eskwela, grade 2 siya nung suntukin at sabunutan siya ng kaklaseng si Mabel dahil sa hindi niya ito pinahiram ng lapis at hindi niya binigay ang hinihingi nitong pagkaing nilagang kamoteng kahoy na baon niya, iyon lamang kasi ang kakainin niya sa maghapon dahil wala naman siyang baong pera. Grade 3 sya nung lagi sitang binubuska ng kaklase niyang si Ryan dahil nahuli sya nitong kumakain sa likod ng classroom gamit ang baunang gawa sa dahon ng saging. Wala kasi silang lagayan ng pagkain sa bahay kaya sa dahon ng saging nilalagay ng kanyang ina ang pagkain na babaunin niya sa eskwela, dahil dun ay pinandidirihan siya ng mga kaklase at madalas awayin, minsan nga ay sinasaktan pa. Hindi niya magawang magsumbong sa kaniyang magulang sa takot na lalo lamang sitang saktan ng mga kaeskwela. Grade 4, Grade 5, hanggang Grade 6 ay ganoon palagi ang nangyayari sa kanya sa loob ng classroom kapag wala ang kanilang teacher, naroong itinapon ang pagkain na baon niya, minsan pa nga ay umuwi siya ng nakayapak dahil may nagtago ng tsinelas nya at hindi na ito nakita pa. Napakalungkot ng buhay niya sa eskwela dahil wala syang kaibigan, walang gustong makipaglaro sa kanya dahil pangit daw sya. Hanggang nagtapos siya sa Elementarya....

Sa wakas ay High School na si Ella, dito nagsimula na siya magkaron ng kaibigan. Unti-unti ay nagkaron sya ng tiwala sa sarili dahil wala nang nang aaway at nananakit sa kanya, natuto siyang makisalamuha at sumali sa mga programa sa eskwela, sa katunayan ay naging Miyembro sya ng choir (mang aawit) sa kanilang paaralan na ikinatuwa naman ng kanyang mga magulang. 3rd year High School sya ng muling mag krus ang landas nila ni Ramil, si Ramil ay isa sa nangbubuska at nananakit sa kanya nung Elementarya isa itong bakla kaya mainit ang dugo niya sa mga Babae. Kaklase kasi niya ito, nabahala si Ella, alam kasi niya na maaaring maulit ang karanasan niya noong bata pa. Hindi nga siya nagkamali, dahil unang araw palang ng pasukan ay napansin agad siya nito at sinimulang asarin, konyatan, ipahiya at sabihan ng masasakit na sa harap ng mga ka klase nila. Nagpupuyos sa galit si Ella, nilapitan niya si Ramil at sinampal ng malakas sabay sabi, "matagal na akong nagtitimpi at nagtitiis sa pananakit ninyo, hindi niyo na ako pwedeng apihin ngayon". Sabay takbo palabas ng kanilang classroom. Nagtago siya sa likod nito at doon umiyak ng umiyak, nanumbalik kasi sa kanyang alaala lahat ng masasakit ng karanasan mula sa mga dating kaeskwela. Takot na takot si Ella, iniisip niya na baka may nagsumbong sa kanilang Guro at ipatawag ang kaniyang mga magulang, tiyak na malalagot siya. Ganon pa man ay bumalik siya sa classroom at nagulat ng parang walang nangyari. Wala parin ang kanilang guro at ang mga ka klase nga ay natutuwa dahil daw natuto siyang lumaban, hindi lang pala siya ang sinasaktan at binubully ni Ramil, kaya ikinatuwa nila ng magpakita siya ng katapangan. Tumigil narin si Ramil sa pang bubully sa kanya at wala nang kahit na sino ang nanakit sa kanya sa eskwela., Dahil don, nagtapos siya ng HighSchool ng maraming kaibigan at baon ang malaking pag asa....

-END-

1
$ 0.00

Comments

Ang mga tao sadyang mapang hisga sa panlabas na kaanyoan. Ang nakikita nila ay ang panlabas na itsura mo at hindi ang kabutihang loob mo. Salamat sa novela mong di mahaba di rin maikli.

$ 0.00
4 years ago

Nice Story♥️

$ 0.00
4 years ago

Thank you 😍

$ 0.00
4 years ago