Unang Pagsubok sa AP

0 20
Avatar for disclose
4 years ago

PANUTO:

            Sagutan ang mga sumusunod na tanong sa iyong papel.

1.    Kailan naganap ang sigaw sa pugad lawin sa pamumuno ni Andres Bonifacio?

2.    Kailan natuklasan ng mga Espanyol ang samahang Katipunan?

3.    Ilan ang bilang ng mga katipunero na kasama noong maganap ang unang sigaw sa pugad lawin?

4.     

5.    Pagkatapos sabay sabay punitin ng mg akatipunero ang kanilang mga sedula, ano ang kanilang isinigaw?

6.    Ano ang ibig ipahiwatig ng sigaw sa pugad lawin?

7.    Noong sumiklab na ang digmaan o labanan sa pagitan ng mga Pilipino at Espanyol, ilang lalawigan ang isinailalim sa Batas Militar?

8.    Ano ang mga lalawigan na sinasagisag ng walong sinag ng araw sa bandila ng Pilipinas?

9.    Bakit nagpulong ang mga katipunero sa Tejeros?

10. Anong pamahalaan ang ipinalit sa Katipunan?

11. Sino ang nahalal na pinuno ng Pamahalaan?

12. Ano ang tawag sa Dokumentong ipinadala ni Andres Bonifacio kung saan inisa-isa niya ang ang mga dahilan kung bakit pinawalang bisa ang halalan?

13. Sino ang tumutol ng maihalal si Andres Bonifacio?

14. Ano ang dalawang pangkat ng Katipunan na nagkaroon ng di pagkakaunawaan?

15. Kailan hinatulan ng kamatayan ang magkapatid na Andres Bonifacio at Procopio Bonifacio sa salang sedisyon?

16. Ano ang tawag sa pamahalaang itinatag  sa Biak na Bato sa Bulacan?

17. Ano-ano ang mga probisyon ng kasunduan sa Biak na Bato?

18. Ano ang layunin ng kasunduan sa Biak na Bato?

19. Nagtagumpay ba ang kasunduan sa Biak na Bato? Bakit?

20. Kung ikaw ang nasakatayuan ni Emilio Aguinaldo, tutuparin mo ba ang iyong kasunduan?

21. Sino ang mistisong Pilipino na namagitan upang mahinto ang digmaan?

0
$ 0.00

Comments