Textmate: Lover

0 28
Avatar for dhaiz051518
2 years ago
Topics: About myself

based po ito sa true life story ko...

Isang magandang gabi ang nasalubong naming magkaibigan ng pumunta kami sa ibang Munisipyo ,ang Sogod. Dec 15 ang selebrasyon ng piyesta kaya maraming mga tao ang dumalo at pumunta sa tennis court dahil doon ginanap ang selebrasyon. Sa tennis court doon idinaos ang programa ng lungsod kung saan maraming mga bisita ang nasipagdalo at isa na ako non.

Sa lugar ng Sogod ay may parke na nilagyan ng mga ibat-ibang mga desinyong mga maliliit na bahay para sa isang paligsahan kung sino ang pinakamaganda sa lahat. Pinuntahan ko yung lugar kasi naaliw ako sa mga kulay at disenyo ng mga bahay. Kasama ko sa pumunta ay ang kaibigan kong si Jacyll.

Sa kalagitnaan ng aming pagtitingin ng mga disenyo nila ay biglang may nagtext!.

"Oy kanino kaya ito?, hindi sya nakalagay sa phonebook ko" ito ay uknown person.

Ang laman ng text nya ay

" hi can you be my textmate?"

ang babae biglang nahihiliparot sa tuwa at medyo galit kasi sino ba namang nagtext sa sa akin at paano niya nakuha ang number ko eh kabago-bago lang to.

Nagreply ako sa kanya sa mismong number at tinetext ko sya ng

" Who you pala?"

at bigla agad nag reply ng

" Pwede meet tayo ngayon?".

Aba sino tong lokong to, kakatext lang bigla tapos mag memeet agad?!.ano sya sinuswerte?!

Nagreply ulit ako " Wag mo nga akong lukohin, alam ko kilala mo ako, umamin ka nga kung sino ka habang mabait ako sa'yo -

" Ngayon ka lang nagtext tapos meet agad?! , hello! "

(echos naman kunwari matapang eh sa text lang ako matapang iba sa personal hehehe)-

Habang hinintay ko ang text nya , sabi naman ni Jacyll

" Best, mag meet nalang kayo para matapos na yan at makikita natin kung ano ang mukha nya! "

" Aba! sino sya para e-meet ko ngayon, akala siguro nya easy lang ako na babae " sabi ko naman"- ( dalagang Pilipina mode ).

Iniisip ko rin siguro para matapos na rin to , nagdesisyon akong makipagkita sa kanya. Payag na akong magkita kami pero sa isang kondisyon na sana toto ito hindi kunwari lang kasi marami na ang nangyari ng ganyan na magkikita sila sa isang lugar pero di naman sumipot, naghihintay lang sa wala.

" ok, para matapos na tong pagtetext natin payag na akong makipagkita sayo, by the way, ano bang pangalan mo?!"

yun na ang reply ko kanya sa text na makipagkita na ako. Sabi ng kaibigan ko, ano kaya ang mukha nya, baka ano?! , sabi ko naman ok lang kahit anong mukha nya para matapos na para hindi na sya magtext sa akin.

Mga ilang oras pasadong 8:30 ng gabi ng time na yun ay nag text na naman sya. Ang laman ng text nya ay ang tunay niyang pangalan. Ang pangalan nya ay Fredie.

Bawat minuto iba na pakiramdam ko na hindi ko maipaliwanag. Hindi ko maintindihan bat ganito eh hindi naman ito unang beses kong ginawa na makipagkita sa isang tao sa text. Nangyari na kasi ito noong una na kasama ko rin ang bestfriend kong si Jacyll. Iba kasi ito sa nangyari, nakipagkita ako sa katextmate ko pero sa actual na lugar instead ako mag magpresenta na katextmate nya ako ay ibang tao ang ipinakilala ko sa kanya.

Nagpalitan kami ng pangalan ng kaibigan kong si Jacyll. Si Jacyll ay si Dhaiz at ako naman ay si Jacyll, hahaha kalokohan talaga ginawa ko. Parang ginago ko yong textmate pero sa bandang huli ng pagkikita namin ng oras na iyon ay nahalata kami at nabukingan na nga. Nalaman niya na iba ipinakilala ko sa kanya kasi bigla syang nag missed call sa no. Ko, eh tumunog ang phone ko at nakita na ako ang may hawak kaya didto nya na nalaman na ako pala si Dhaiz. Yun na, nagalit nung una ang tao at naghingi nalang ako ng sorry sa kanya na hindi ko na uulitin kaya mula noon di ko na talaga ginawa ang nagawa kong pagkakamali sa pakikipagkita.

Sa paghihintay ko bandang gilid ng parke at doon ako naghintay, ang tagal talaga nyang dumating. Ang sabi ko sa text..

" Oh! saan kana, dito na ako sa lugar na magkikita tayo?"

Tagal syang sumagot, baka ako mismo ang naloko nito kasi agad ako naniwala sa kanya. Ang kaibigan ko namang si Jacyll ang may gusto at pumayag naman ako.

" Andito na ako , asan ka na Dhaiz?!"

Aba!, kilala ako sa taong to, bakit nya ako kilala at hindi ko pa naman binigay ang tunay kong pangalan . Nagreply agad ako sa kanya.

" Dito na ako, nakaupo sa bandang gilid ng parke kasama ko ang kaibigan ko. Dalawa lang kami ditong nakaupo."

Biglang may lumapit sa amin at gustong humawak sa kamay ko,

" Hi Dhaiz , ako pala si Fredie.. musta ?"

alam nya na ako si Dhaiz na nakaupo sa gilid kasi sinabi ko kung anong kulay ng damit ko at hindi ako mataba kasi itong si Jacyll ay matabang babae. Nagulat ako kasi pagtingin ko sa kanya biglang may " star" sa paningin ko. Ang gwapo kasi!!!, sabi ko sa sarili. Gwapo sya at matangkad. Ang tangkad nya ay 5'9 kasi isa pala syang basketball player o isa syang varsity player sa kolehiyo namin. Hindi sya maputi sa inaakala ko at may kaibigan siyang kasama sa pagkikita namin.

Una nahihiya ako kasi sa text medyo maangas ako sa pagtetext sa kanya pero sa personal pala ay mabait naman kausap. Mga ilang minuto nagpasya na akong umuwi kasi medyo gabi na pasado alas 10:00 na ng gabi. Gusto pa sana nya akong kausapin ng masinsinan pero hindi na ako pumayag pa. Ihahatid na sana nya ako pero umiwas ako kasi kaya ko naman ang sarili ko at dalawa naman kaming uuwi.

Nagtext sya nung pauwi na kami " Ingat ka Dhaiz and nice meeting you, ang liit mo pala pero ang cute mo" nung nabasa ko ay kinikilig ako!. Sinabi niya nung nagkita na kami na galing pala ang number ko sa klasmeyt ko. Naghahanap kasi syang maging katextmate nya kaya yung klasmyt ko ay binigay yung number ko sa kanya kaya ganun nagtext sya sa akin that time at tiyempo na andun din ako sa lugar na andun din sya.

Mula ng nagkita na kami hindi ko na malimutan yung mukha nya at ewan ko ba kong bakit, basta kinikilig talaga ako sa totoo lang. Hinihintay ko na bawat text nya at tawag .

" Hi, si Fredie to kumusta kana?, anong ginagawa mo ngayon? "

" Kumain ka na ba?"

(Kinikilig na naman ako sa pagrereply)

Nagtetext sya palagi sa akin bawat minuto kung ano ang ginagawa ko parang ang close na namin kahit isang beses lang kami nagkita. Mayroon din time na tatawag sya at sasagutin ko rin naman. Nag-uusap kami sa phone ng matagalan at magtetext din.

At nangyari na, February 07 ng gabi mga 6:00 ,gusto nya makipagkita ulit at pupunta sya sa bahay namin. Gusto daw nya makita ang lugar namin, yung sa buolevard ng Bontoc

(Boulevard_of_bontoc)

photo@google.com

leadimage@google.com

at sa bahay namin ( OMG! ,parang totoo na to ahh..bakit kaya?!!...

Abangan....

Xoxoxo.

1
$ 0.00
Avatar for dhaiz051518
2 years ago
Topics: About myself

Comments