Good morning pips.. Maaga na naman at ngayong araw ay balik eskwela ng mga kabataan at sa trabaho. Nakalimutan ko na tuloy gumising ng maaga dahil sa long weekend. Galaw-galaw na mga nanay.. Tara at maghanda na ng pang almusal at mga susuotin ni mister at ng mga anak.. #Wednesday
@deanny07
Joined 8 September 2022 · 389 posts
Strong and risk taker!
120 KT
0 KT received · 0 KT given
Posts
Ang saaaakit! Napaso ako sa kakahanap buhay. Gumawa ako ng popcorn pangtinda bukas sa canteen, pero sa kasamaang palad, nadikit yung balat ko sa may bandang kamay sa machine. Kaya ayan! Ganito siguro talaga kapag naghahanap ng pera galing sa marangal na pamamaraan.. Laban lang tayo! Mahirap maging mahirap ngunit mas mahirap manatiling mahirap.
TUESDAY IS LECHON MANOK Day! Dahil mahal pa rin ang isda sa market, napag'isipan kong mag lechon manok nalang muna. Haha! Epekto ng bagyo. Rason talaga ito na napapa'lechon manok ako. Parang pambawas stress ko nalang din. Pero nakaka stress ang mahal. Nag-i'stress eating kasi ako. Kaya tuloy tumataba ako lalo. Kapag stress kain ako ng kain. E' di mas na'stress dahil sa gastos. Hahaha! Happy lunch sa inyong lahat!
Papunta na kaming kwarto upang matulog. Brown out pa rin. Ngunit nawala itong isang batang ito. Hinanap ko sa buong bahay, ngunit wala. At ito na nga! Nasa kusina ng lola nya. Hahaha! Nagutom pala. Mga 6pm pa kasi sya naghapunan, at sa kakanuod ng mukbang sa youtube nagutom tuloy. Hahaha! Maganda pala papanuorin ng youtube na mukbang itong mga batang walang gana kumain, kasi gaganahan talaga at bigla nalang magugutom. Hehe
At dahil brown out pa rin, pang 5 araw na, congrats #Maselco sa consistency mo. Sana all consistent, gumala ang lola nyo mga mare! Hehehe dito na muna ako magpapalamig ng ulo. Sobrang init ng ulo ko ngayon dahil sa init at dami ng lamok.. Gusto ko na sa labas nalang matulog.. Sana naman bumalik na ang kuryente dito sa amin.. Ahwp yung power pala..

Hindi na gumagalaw ang mga dahon ng kahoy. Wala nang malakas na hangin na parang sinasabunutan ang mga puno. Ang ganda ng sikat ng araw. Ngunit may pumasok na naman sa PAR na panibagong bagyo na pinangalanang #quennie. Sana hindi na manalasa ang mga darating pa na bagyo. Magpa'pasko pa naman. Kumusta ang panahon ngayon dyan sa inyo mga kaingay?
Darkest moment! Tsk! I can't sleep. I only saw one color when I close and open my eyes. Darkest black.. I hope our electricity here in our place will be fixed soon. Without electricity, life is total black out. Nakaka'paralized lang talaga. Walang electric fan.. Nangangawit na ako sa kakapay'pay..
Isa lang ang nakikita kong maliwanag ngayong gabi. Yung may generator lang. Pang 82 hours nang brown our. Mag aapat na araw na. Tsk! Tsk! Wala namang natumba na poste ng maselco pero ewan ko ba. Wala pang bagyo problema na talaga ang madalas ng brown out dito sa amin. Kaya hindi na nakakagulat. Nakakainis lang, kahit sanay na kami. Tsk! Kapag nagkapera lang talaga ako, bibili ako ng generator. Hahaha solar nalang, walang maintenance at monthly.
Para sa maulan na panahon.. Sinabaw na buong native na manok. Nilalamig kasi itong manok namin kaya naisipan kong pakuluan. Hahaha kaya ngayon ay sabay kaming naiinitan. Oh di ba? Sarap sa lalamunan.. Iba ang sarao ng native na manok kesa 45days o ano pa yang klasi ng manok. Happy sunday sa lahat. Tumila na ang ulan dito sa amin, kaso ang kuryente parang wala pang planong bumalik..
Sweet potatoes, or camote. Sweetened para kahit hindi kami sweet, matamis pa rin ang aming hapon. Chars! Kumusta kayo mga kaingay? Brown out pa rin dito sa amin ngayon. Sa inyo? Medyo humina na ang hangin ngunit patuloy ang pag ulan. Kain nalang tayo. Para maubos ang stress at makaipon ng maraming fats. Hahaha
Medyo lakas pa rin ang hangin na may kasamang pag-ulan dito sa amin. Nakakalungkot isipin na marami na namang pananim ang masasalanta dahil sa bagyong #Paeng at hindi pa nga ito nakalabas, may papasok na naman na #Quenie daw yun, hindi ako sure. Tsk! Tsk! Ingat po ang lahat. Brown out pa rin hanggang ngayon.. Salamat nga pala #NDRRM sa walang tigil na paalala.
Nasaan daw ang Pilipinas? Halos mabalot ng malawak na kaulapan ng bagyong #paeng. Maraming lugar ang makakaranas ng malakas at pabugso-bugsong pag ulan ngayon. Hindi lang ngayon mukhang buong araw magiging ganito rin ang panahon bukas. Ingat po ang lahat lalo na ang mga nasa landslide prone area. Higop tayo ng mainit na sabaw ng gulay ngayong gabi.
Umagang kay Ganda sa lahat? Friday is monggo day.. Super sarap lalo na grabi ang lamig ngayon. Ulan at kidlat. Nakakatakot. Nagluto ako ng monggo na may patola at alugbati. Oh! Di ba? Gulay na gulay! Gusto ko kasi lagi pinapakain ang mga bata ng gulay. Para naman healthy sila at hindi madali magkasakit. Sa bahay lang kami ngayon, walang pasok dahil sa bagyong "Paeng" . Ingat po lahat lalo na ang apektado ng bagyo.
Magandang gabi sa lahat. Hindi pa nga ramdam dito sa amin ang bagyo kahit na signal #1 na ngunit yung kuryente nauna na mag brown out. Advance talaga mag isip. Haha! Kaya heto ako ngayon. Nagtitiis sa kakapaypay sa anak at nanghuhuli ng lamok. Kumusta ang panahon dyan sa inyo? Suspended na nga pala ang pasok sa trabaho sa eskwela dito sa amin bukas, October 28, 2022. Kaya ewan kung anong gagawin ko bukas. Hehe
Kahit pa unti2x lang basta kumikita. Maliit na halaga ng pera ngunit malaking tulong sa pang araw2x na pangangailangan. Naranasan ko talaga dati na walang wala at kahit ni piso walang laman ang wallet ko. Kaya ngayon nagsumikap talaga ako. Hindi umaayaw kahit pagod na. Aanhin ba naman kasi yung masarap na buhay kung walang maihain na pagkain sa mesa. Kaya tara! Laban sa buhay. 😊
Ang saya2x ng mga tanim na nakatikim na naman sila ng tubig ulan. Nakakafresh talaga kapag laging basa, kaya ligo na araw2x. Hahaha! Kasi kapag hindi tayo naliligo, nakakapanghina minsan. Nakakawala ng energy. Kaya ayaw ko magtrabaho ng walang ligo, para laging energetic.
Captured earlier.. Bumabaha sa sa kakaulan maghapon. Mag iingat po ang lahat lalo na sa landslide prone area. Delikado ang walang tigil na pag-ulan sa mga mabundok na lugar at malapit sa sapa. Magandang gabi sa lahat. Lamig lamig ng panahon. Sarap ng mainit na sabaw ngayon.
Gloomy Wednesday! Medyo masama ang panahon natin ngayon. Kumusta dyan sa inyo? Ang lungkot ng kalangita. Parang maya2x ay babagsak ang mga luha. Pinakamahirap talaga kapag masama ang panahon. Hirap ng transportation. Sana manalo ako sa lotto. Bili ako ng 4 wheels. Hahaha Magla'lunch na naman. Nakapagluto na ba ang lahat?
Nakagawa na ako ng 150 packs na popcorn. Paninda sa canteen. Ubos to mamaya. Tag 5 pesos bentahan namin. 4am palang sinimulan ko nang gawin. Proud naman ako sa sarili ko at nakakagawa ako ng paraan upang kumita. Kaya tuloy ang pasok sa alkansya. Hehe hindi talaga ako nahihiya na magbenta ng kung ano2x. Basta kumita lang. Atleast kung kinakapos hindi na ako nangungutang. May madudukot na ako..
Abang2x sa game mamaya. Choco mucho vs chery tingo. 2:30 ngayong hapon. Ang tagal ng oras kapag may hinhintay tayo.. Kumusta ang hapon natin dyan mga kaingay? Dito grabi ang init sa amin ngayon. Kaya inom ako ng inom ng tubig. Kayo rin..
Shine like how sun brightly shine, bloom like how this tiny little flower bloom. Stay happy and chose to be happy. Nakita ko lang ang maliit na bulaklak na ito. Nakaka inspire, kahit na nag iisa lang sya parang ang saya nya tingnan. Kaya tayo mga kaibigan, kahit kukunti lang ang mga kaibigan natin, ang mahalaga ay totoo at hindi peke. Aanhin ang maraming kaibigan kung plastic naman. Hehe
No oil just grill. Grilled fish for breakfast. Super yumm.. Natural ang sarap at lasa. Manamis namis dahil fresh pa ang isda. Nahilig na talaga ako sa inihaw ngayon na timatanda na ako. Marami na kasing nasmraramdaman na sakit sa katawan.
Nakatulala at hindi makatulog. Kanina pa ako pikit ng pikit, hindi man lang makisama si antok sa akin. Pagod na pagod ako sa buong araw. Paano ba naman kasi, nakaubos ata ako ng 5 na tasang kape. Tssk! Tssk! Paano ba naman kasi, nakakalimutan ko na hindi nga pala ako nakakatulog ngayon dahil sa madalas na pagsakit ng ulo ko, dahil na rin siguro sa stress sa sobrang pagod. Naku! Sasakit na naman ulo ko nito bukas dahil sa kulang sa tulog.
Fish crackers. Sarap! May paninda na naman ako. Kahit ano nalang talaga ang tinitinda ko, kumita lang ng pera at matustusan ang pangangailangan ng aking mga anak. Ganyan din ba kayo mga kaingay? Basta marangal lang.. Hehehe sa isang linggo nakakaubos ako ng 12 to 14 kilos nito. In pack, mga 500 packs x 5 pesos each 2500 na. Puhunan ko lang ay mga 1200+. Kitang kita ang tubo. Hehe


Blue sky! Magiging super mainit ngayong araw. 7am palang nangangagat na ang init. Ingat kayo mga kaingay. Lalo na sa trabaho. Magdala ng tubig palagi. Happy monday..
This photo breaks my heart. Life sometimes makes us feel unfair. Feel the pain with many "whys". Feeling different, ugly, sad and the scariest being alone. Keep fighting. Hindi lahat sinuswerte sa buhay..
Part of my diet.. Charizzz Nakuha ko lang sa tabi ng bakuran. Solve na ang gilay natin. Napaka healthy nito. Lalo na sa mga kulang sa dugo at namumutla na. Talbos ng kamote, ensalada.. Kain na mga friends.

Most of our children hate us for being so demanding. They never know that we, the parents are responsible for helping them decide what is good for them until they get 18, and even they have their own life with thier own family we still care for them. Why they always think that we are so pakialamera, when all we want is for their own good? So sad! Someday they will become parents too. They will realize how hard to be a good one.. 😢
I wanted to Stop believing that I am untalented and worthless. I want to junk the thought and face life with a smile on my face. Advice to myself: Think positive always. Never buy the idea that untalented and low-IQ are worthless. God made us differently. Yes, some maybe more intelligent or skilled than others, but God never made worthless people. Gid made us in His own image. We are special in different ways. Believe in yourself, respect yourself and love yourself. Above all, be gracious. Proverns 25:22 says, "A gracious woman will always be treated with respect." Happy Sunday!
Can't say NO to this kind of snacks! Yummiest.. Saging turon. Sarap ng pagkaing pinoy na babalikbalikan mo talaga. Only in Philippines.. Hehe Kumusta angbaraw natin ngayon? Dito sa amin bumawi ang grabing init ng panahon. Sumakit ang ulo ko sa init sa labas. Ngayon lang nakauwi ng bahay at nakapagpahinga.. Sulit naman ang saya sa labas.. Tara! Kain...