Umagang kay Ganda sa lahat? Friday is monggo day.. Super sarap lalo na grabi ang lamig ngayon. Ulan at kidlat. Nakakatakot. Nagluto ako ng monggo na may patola at alugbati. Oh! Di ba? Gulay na gulay! Gusto ko kasi lagi pinapakain ang mga bata ng gulay. Para naman healthy sila at hindi madali magkasakit. Sa bahay lang kami ngayon, walang pasok dahil sa bagyong "Paeng" . Ingat po lahat lalo na ang apektado ng bagyo.
4 comments
Mas healthy at masarap naman ang gulay eh. Miss ko na ang patola ai. Sakto yan ngayon ulam n'yo, may konting sabaw para sa malamig na panahon ngayon. Ingat kayo dyan.
Ang sarap niyan sis patola one of my fave gulay tapos alugbati masarap sa tinolang isda hehe. Dito sis makulimlim ang panahon, last day of exam Ng mga estudyante ko ngayon.
Masarap po ang may sabaw ngayon 😋
Ang sarap niyan sis, makagulay din ako. Bandang Visayas at Mindanao yata nanalasa si bagyong #Paeng dito sa Central Luzon maaraw