read.cash Log in

@deanny07

Joined 8 September 2022 · 389 posts

Strong and risk taker!

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@deanny07

Lunch for today. Charizz.. Busog overload. Nandito kasi kami sa church ngayon kaya iba2x ang pagkain na nasa plate ko. Kahit pa gulay2x basta iba2x, ako'y nasasarapan talaga. Lunch na kayo.. Happy saturday!

@deanny07

Goodnight pips.. Bukas naman.. Pikit na pikit na ang aking matang pagod sa maghapon na kakatrabaho at kaka cellphone. 😁 Syempre, huwag puro trabaho.. Cellphone2x din. Balance ba, balance! Hahaha

@deanny07

Ready to bloom flowers. Captured from our not so big vegetable garden. I know our next week in gardening will be more exciting and will be more fruitful. It was fruit of labor. Fruit of work hard..

@deanny07

Caterpillar rash.. Sobrang kati. Mukha nya palang mangangati kana. Nakita ko sa daan. Gusto ko nga sanang i'try na idikit itong balat ko, kaso wag nalang muna. Hahaha wala talaga akong magawa ngayong araw ay. Nabuburyong na ako sa kakaisip sa mga problema. Gusto kong sumaya at may mapatunayan. Hehehe

@deanny07

Hindi natitigil itong bunganga ko talaga. Pagkatapos kumain ng lunch, kain naman ng nougat candy. Naghahanap talaga ng tamis itong bunganga ko pagkatapos kumain ng maalat. Kain na kayo! Pahinga kunti tapos mamaya trabaho naman.

@deanny07

Super intense na game kahapon. Grabi ang pagpakaba ng 5 sets! Choco mucho vs PLDT. Yung laban na puro may pinaglalaban. Walang nagpapatalo ngunit hindi matitigil ang laro hanggat walang nanalo. Parang buhay lang natin. Hindi matitigil hanggat maybpag-asa at humihinga pa. Congratulations my baby D and the team.

@deanny07

Abandonadong classroom. Naiinis talaga ako sa balita nitong si anak ko. Laging sinasabi na may multo daw sa school nila. Sabi ko hindi naman totoo ang multo. Sabi nya totoo talaga. Nagtanong akobsa teacher, kaya pala. May classroom na wala nang gamit dahil sira2x na. Kaya sabi ng mga bata may multo raw. Ewan ko ba sa mga batang ito. Kahit ano nalang ang iniimbintong kakatakutan. Dahil na rin siguro sa mga napapanoon na horor movies.

@deanny07

Bakakalungkot na sa kabilang site. Nawala na ang dating sigla. Parang realidad ng buhay. Kapag wala nang nabibigay, iiwan nalang basta basta. Hindi naman sa nilalalahat ko, pero isa ako sa mga taong iyon. Pinipilit kong baguhin ang sarili ko, ngunit ganun talaga. Isang napaka pangit na ugali ko. Pero babalik din naman ako. Minsan lang agad2x sumusuko ako, agad2x napapagod at bumibitaw ako.. Tsk! Tsk! Tsk!

@deanny07

I don't know what's going on here. But I am still hoping and praying that everything will back to normal again. I will be sleeping with sad face and heavy heart with full of hope. Goodnight dear friends!

@deanny07

Powdered Calamansi Juice. Infairness, it taste good like pure calamansi. this is 1 kilo and for only 220 pesos, I can make 200 packs of juice for 5 pesos each. Ang laki ng kita.. Super.. Kaya sa mga malapit sa school dyan na gusto mag juice. Order na kayo sa shoppee...

@deanny07

Dumating na naman ang pangkabuhayan ko. Hehe Powdered juice per kilo from shoppe. Salamat talaga ng marami shoppe. Nang dahil sayo nakakatipid at kumikita ako. Kahit pa hinay hinay lang basta merong pumapasok na pera oks na oks talaga. Sipagan pa natin lalo.. Para sa future ito.

@deanny07

Showered by early blessing. Freshly watered plants by rain. They said that plants are more happier when they are showered with rain water than pure water. Chaarzz lang. Feeling ko lang pala na mas masaya sila.

@deanny07

Hands up, heads up champions! Hehe Taas kamay lahat ng mahilig sa matatamis na inumin. Kung mahilig kayo sa matamis, ito ang dapat para sa inyo. Masa'satisfy talaga ang dila mo sa sobrang tamis. Kaya love na love ng mga bata. Kaso hindi rin maganda sa katawan ang sobrang tamis. Kaya half champion, half milk tayo. Good morning sa lahat..

@deanny07

When I decided to be with my boyfriend, all of my family was against him for they think that he is not capable of doing or giving me a life I suppose to have. Most of them keep on talking behind my back and saying I am just wasting my time. For me, living with a loving husband and caring father to our children is paradise. Don't compare our life and husband to others. We are blessed in different ways.. Goodnight..

@deanny07

Banana for healthy living. Chariizzz! Taas kamay mga kasaging! Sinong mahilig kumain ng saging? Alam nyo ba na healthiest fruit ang saging. Maraming benebisyo na maganda sa katawan at nakakabusog pa. Piliin nating kumain ng healthy kesa mga unhealthy foods. Para iwas sakit2x na rin. Habang tumatanda kasi tayo, dumarami ang mga iniinda nating sakit sa katawan. Kaya choose to be healthy..

@deanny07

Gumanti ang init ngayon. Galit na galit at parang gusting manakit.. Kumusta ang araw nyo ngayon? Kanina ko lang napanoond ang doll house na movie. Sakit sa dib2x. Lalo na sa mga may broken family o hindi nakilala ang ama. Parang minsan ang unfair ng buhay, kaya habang kaya pa magbago, gawin na agad para hindi mahuli ang lahat..

@deanny07

Aabot tayo sa punto ng buhay natin na nakakapagod na, sobra... Yung sukong suko kana, gusto nang bumigay sa pagkapit dahil ikaw ay pilit na hinahatak ng negativities sa buhay... Para saan nga ba tayo lumalaban? Maraming tanong na minsan ay binabalewala nalang dahil wala rin namang kasagutan kundi "laban lang", "tuloy ang buhay". #Fighting

@deanny07

Fish crackers. Dumating na nag order ko sa shoppe. Pang negosyo. Hehe kahit ano nalang talaga ang naiisip ko na ibenta. Paano ba naman kasi, sa hirap ng buhay, kailangang dumeskarte. Mura lang bili ko sa kropek sa shoppe. Kesa grocery store ang mahal. Sa shoppe 80 lang per kilo na. Mahilug talaga ako tumingin sa shoppe ng mga pweding ebenta o pagkakitaan.

@deanny07

Makulimlim na araw sa lahat. Maulan ngayong araw. Ingat lahat ng papasok sa eskwela at papasok sa trabaho. Lalo na ang mga nanay na pabalik balik sa eskwelahan na naghahatid sundo sa mga maliliit na anak. Martes na naman. Ang bilis ng araw. Praybat ingat po lahat. Godbless..

@deanny07

Lunes na naman. Unang araw ng pasok ng mga bata. Excited ang lahat at agad naglaro pagdating sa school. Iba talaga ang mental health na bigay ng face to face. Iba ang awra ng mga bata. Sana mag tuloy2x na okay na ang lahat para tuloy ang saya at pag aaral ng mga bata.

@deanny07

Eksena sa grocery store. Grabi ang haba ng pila. Pero malapit na ako sa finish line. Sana may hapunan dito gabang naghihintay. Hahaha Kain na kayo mga kaingay! Nagraraket pa ako ng pantinda bukas sa canteen para may pambiling bigas.

@deanny07

Dumating na ang paninda kong sapatos. Ewan ko, lahat na yatang pwede pagkakitaan na maliliit, sinakyan ko na. Lahat ng pwede ibenta, kahit maliit ang kita basta marangal. Happy sunday sa lahat. Family time and Gods time. Pray harder para makamut natin lahat ng dinadalangin natin. Sabagay ng sipag at tyaga.

@deanny07

As usual kulorom na naman kami dito sa masbate. Mabuti nalang nasisinagan kunti ng kapitbahay na may generator. Sana all may generator. Sana may magpa tulfo na nitong electric corp dito sa amin. Ang hirap ng walang action. Lagi2x nalang brown out. Abala masyado sa trabaho. Pero may advantage din lalo na sa family. Nakakatipon tipon lang kasi sa saka kapag brown out, waka kasing internet. Nagkakaroon ng family time. Hahaha family chikahan, at minsan nauuwi sa awayan dahil sa grabing asaran. Kain na tayo, ang dilim ng buhay ko ngayon.

@deanny07

Good morning po sa lahat. Naglalakad kami ngaykn sa labas. Bili lang ng mantika. Soysyal itong isang bata na ito, bibili lang sa labas naka scooter pa. Syempre, hindi mawawala ang kinakain nya. Basta sasama talaga ang anak sa labas kahit bibili lang ng mantika o vetsin, may bitbit na pagkain. Mas uunahin pa na makabili ng pagkain kesa pinabibili sa kanila eh.

@deanny07

Healthy evening po mga kaingay! Gulay pampahaba ng buhay. Sarap na di ipagpapalit, pinakbit! Weekend feels na naman.. Tapos bigla na naman tayong matutulala dahil lunes na naman.. Bongga!

@deanny07

Lunch ko kanina sa city. Hindi na ako nag order ng jollibee. Ito nalang pampawala kasi ng lula. Sarap higupin ng mainit na sabaw.. Slurrrrrp! Sarap! Burrrrrp! Pero hanggang ngayon hindi pa ako nakakagalaw sa sobrang hilo. Help me Lord! Mas gusto ko pa talaga mag motor.

@deanny07

Gagala ang lola nyo mga mare, hehehe Punta ako ng city, bibili ng plastic sa panindang ice candy. Nakasakay na sa jeep, at lulang lula na po. Pero laban lang sikmura, para magkalaman ka kailangang kumita. Haha Oh! Sya.. Kakapit na muna ako dito.. Di bali na mamodmud utong mukha ko, 'wag lang mahulig ang cellphone ko. Hahaha #KapitSaJeep

@deanny07

Umiinit na ba ang inyong umaga? Tayo talagang mga nanay, pagkagising ay deritso sa lutuan. Naghahanda ng makakain ng pamilya. Nakakapagid man bumangon, ngunit Ina tayo. Walang day off sa trabaho natin. Uling pala gamit namin, kapag emergency, saka na kami gumagamit ng gas stove. Mga tipid tips para sa mga nanay..

@deanny07

Dumating na kanina yung order ko na pineapple juice at orange juice para sa canteen. Tag iisang kilo ito. Sulit sa dami.. Talagang kikita kapag madiskarte. Titimpla na muna ako, para mamaya ay mapapalamig ko na sa reef, at bukas ay ready na... Hapunan na mga kaingay.

@deanny07

Bluetooth speaker na super handy at kahit saan pweding gamitin. Ang ganda nito. Malakas din ang tunog. Maliit lang. Sulit naman sa presyo na 169 sa shoppe. Basta sa shoppe kapag maswerte ka makakatipid ka. Pero may mga time din naman na malas. Hehehe Gamit na gamit itong speaker lalo na kapag medyo bingi. Hehe joke lang. Gusto ko kasi palagi may tugtog. Nakakarelax.