Oras ng pagmamahalan, isang tula.

0 9
Avatar for danlauron
3 years ago



Tiktak tiktak tiktak, tunog ng orasan
Bakit ba ikaw ang gusto nitong paglaanan
Paggising at pagtulog mo ay wag mag alangan.
Pagkat oras ko para sayoy walang hangganan.

May dalwang daliri na tila bang naghahabulan.
Ayaw matapos, pagkat gustoy tuloy lamang
Isang direksyon lang ang tanging pinupuntahan
Patungo sa puso mong bunga ay kasiyahan.

Paikot sa mga numero, walang katapusan.
Parang pagmamahal na di mapigilan
Pagkat baterya nitoy gawa sa lambingan. yiee.
Wala na ko masabi kayat atin nang umpisahan

Di maaaring ibalik, mga oras na dumaan
Ngunit pedeng ipagpatuloy para sa bagong kasaysayan.
Kung saan tayo ay masayat nagiibigan.
Sa oras na tama at wala nang katapusan.

Ang bateryang di namamatay pagkat gawa sa pag ibig
Ang syang magsisilbing suporta sa daloy ng ating daigdig
Kayat goodnight na at wag sana mahulog sa sahig
Pagkat ikay magising at ang ating paglalambingan ay lumawig.

0
$ 0.00

Comments