Tipid Tips mula kay Momshie Damelindz

1 23
Avatar for damelindz
3 years ago

Sa buhay kailangan natin maging wais. Lalong -lalo na sa panahon ngayon na may Pandemya dulot ng Covid-19 virus, madame ang nawalan ng trabaho. Kailangang maghigpit ng sinturon, ika nga. Kailangang magtipid.

Eto ang ilan sa mga tipid tips na subok ko na.

  • Gumawa ng listahan ng mga bibilhin bago pumunta sa palengke o kung saan man pamilihan. Madalas ko itong gawin bago mamili. Sa gabi pa lang tinitingnan ko na kung anong wala sa bahay namin, mula sa gamit sa pagkain, mga sabon, shampoo, toothpaste at iba pa. Mas makakabuti kung meron tayong dalang listahan para maiwasan natin ang paggastos ng sobra.

  • Magdala lamang ng sapat na pera. Sabihin na natin na ang nasa listahan mo ay nagkakahalaga ng 500, magdala ka lamang ng 600. Iwasan po natin na dalhin ang lahat ng pera natin ng sa ganun ay maiwasan ang labis na paggastos. Aminin natin na kapag tayo ay nakakakita ng mga bagay na magaganda,hindi talaga maiwasan na napapabili tayo. Kaya mas mainam na sapat lamang ang pera na dala natin.

  • Kung malapit lang naman ang pupuntahan ay maglakad na lang. Nakatipid ka na, nag ehersisyo ka pa.

  • Pagdating naman sa pagkunsumo sa tubig, matuto din tayo magtipid. Madalas ang pag ulan ngayon kaya ugaliin po natin na magsahod ng tubig ulan. Pwede natin to magamit na pambuhos sa banyo, pandilig ng halaman o panlinis ng garahe kung meron kayo nito. Nang sa ganun ay bumaba ang bayarin natin sa tubig.

  • Kung kayo naman ay may mga alagang hayop tulad ng aso at mahilig din kayo kumain sa labas, huwag po kayo mahihiya mag uwe ng sobra nyong pagkain. Unang-una binayaran nyo naman yun. Malaking kabawasan din sa gastos yun lalo na kung madame kayong aso. (Pero kung mahiyain kayo, wag nyo na po kunin. Ako kasi makapal ang mukha eh, hahahaha.)

  • Matuto po tayong magtabi ng pera para may magamit tayo sa panahon ng emerhensya. Maiiwasan natin ang mangutang. Bukod sa may pera ka na, hindi ka pa magkakaamnesia,hahahaha.

  • Pagdating naman sa kunsumo ng kuryente, gumamit lang ng ilaw kung saan may tao. Lalo na kung malaki ang bahay nyo. Ganun ang ginagawa namin, kung nasaan lang kami, dun lang may nakabukas na ilaw. Pero sa ngayon solar power ang gamit namin, mahigit 3 taon na kaya wala kaming bayarin sa kuryente.

  • Magbawas po tayo ng gastos. Kung dati ang bigas natin ay dinurado, gawin na muna nating sinandomeng. Halos pareho lang ang lasa pero magkaiba ang presyo.

Ako po ay certified kuripot kaya lahat ay gagawin makatipid lang. Tingin ko naman ay hindi masama maging kuripot, depende lang siguro sa tao. Sana po ay makatulong ang mga tipid tips na ibinahagi ko sa inyo.

Pagpasensyahan nyo na kung ito sa nasa wikang Filipino. Naubos na kasi yung english ko😂. Nakakatuyo ng utak,hahahaha. Kailangan ko din ipahinga baka magka internal hemorrhage😂.

3
$ 0.44
$ 0.44 from @TheRandomRewarder
Sponsors of damelindz
empty
empty
empty
Avatar for damelindz
3 years ago

Comments