I know, for sure na marami ang makakarelate dito. At some point of my life, naranasan ko din ito. Bakit nga ba kailangan may label ang isang relasyon?
Sa panahon ngayon, uso na ang walang label sa isang relasyon, lalong lalo na sa mga kabataan. Yung ramdam nyo na mahal nyo ang isa't isa pero hindi naman kayo magkarelasyon, meaning wala label kung ano man ang meron kayong dalawa.
Nagseselos sya pag yun isa ay may inii "stalk" na iba.
Nagseselos sya pag nag "heart react" sya sa picture ng iba.
Nagseselos sya pag may kasama syang iba.
Sweet kayo sa isa't isa.
Love, bebe, mhie, dhie, mahal o kung ano pa mang endearment ang tawagan nyo.
Pero hindi nyo alam kung kayo ba talaga o kung ano status nyong dalawa.
Hindi kayo mag boyfriend/girlfriend pero pinagpupuyatan mo.
Hindi kayo, pero pinagseselosan mo.
Hindi kayo, pero ang sweet nyo.
Question is, enough ba ang walang label?
Siempre hindi di ba! Bakit ka makukutento sa isang relasyon kung hindi mo naman alam kung may kasiguruhan o wala.
Speak up! If you know in your heart na mahal nyo ang isa't isa, commit. Sa bandang huli, ikaw din naman ang talo kung wala kang gagawin.
Kung kayo ang tatanungin, enough ba ang walang label?
Naisipan ko ito isulat habang nagkakape this morning. Habang pascroll scroll sa facebook, may nakita ako na post about sa topic na to.
They supposed to translate this article to us, but I don't know how to translate it, despite the fact that I want read it.