Pag-uusapan natin ngayon ang sa tingin ko ay isa sa mga mahirap sagutin na tanong kapag ikaw ay pamilyadong tao na. Isa sa mga napagmumulan ng pagtatalo ng mag-asawa ay ang usaping pera, di naman siguro yun maipagkakaila. Actually, I got this idea kahapon habang nanonood ng TV, sa programa ni Miss Susan sa GMA News. Pinag-uusapan nila yung topic na to. Meron silang dalawang iniinterview via phone patch, isang lalaki at isang babae. Nakalimutan ko na yung name ng dalawa,hehehe. Well anyway, maganda yung naging debate ng dalawang guest nila.
Bibigyan ko kayo ng konting detalye ng kanilang debate. Unang tinanong si lalake, eto yung naging sagot nya,
Hindi dapat na ibigay ng buo yung sweldo kay misis kasi pano na lng kung may biglaan insidente na kakailanganin ko ng pera, wala akong madudukot. O kaya bigla nagkayayaan magkakaibigan sa labas, nakakahiya naman na wala ako mailabas na pera. At isa pa, ako yung nagpapakapagod magtrabaho kaya dapat lang na may matira sa akin.
Medyo may point din naman si lalaki dito. Paano nga naman kung bigla nya kailanganin ang pera, di ba?
Eto naman ang naging sagot ng babae,
Dapat talaga na lahat ng sahod ng lalaki ay ibigay sa babae, as in lahat. Kasi ang babae ang nagbabudget sa bahay. Atsaka kapag may pera ang lalaki, lage na lng yan sa barkada kasi may perang panggastos sa inuman. Minsan mambabae pa!
On point din si babae dito lalo na doon sa pambababae, hahahaha! Mahaba pa yung naging usapan nila pero eto rtalaga yung natandaan ko sa naging debate nila.
Sa amin naman mag-asawa, naging issue din namin to. Pero noong bago pa lang kami nagsama, binibigay nya ng buo yung sweldo nya sa akin. Ako lang talaga yung tumatanggi. Ewan ko ba, feling ko nakakahiya na kunin yung buong sweldo nya. And at that time, may work din ako kaya hindi ko talaga kinukuha lahat. Pero katagalan, medyo walanghiya na din ako,HAHAHAHa, kinukuha ko na lahat. Binibigyan ko lang sya ng allowance nya for the whole week. Tapos binabudget ko na yung pera para magkasya sa buong linggo. Lahat, pati kuryente, tubig, nagtatabi na ko ng pambayad sa mga yun. Pero habang tumatagal,nagiging walanghiya na din si mister ko,HAHAHAHAHA. Nagdedemand na sya na dapat may matira sa kanya, isa sa mga naging rason nya sa akin ay kapag daw nagkayayaan sila magkakaibigan,wala daw sya mailbas na pera. At paano na lang daw kung nakabunggo sya ng kamatis, wala sya maipambayad. Well, medyo naintindihan ko naman sya sa point n yun(bait ko noh,hahahaha). Good thing, ngayon ay binibigay nya na lahat ng sweldo nya sa akin. Pero kapag may mga sideline sya, hindi ko na kinukuha lahat. kung magkano lang yung ibigay nya sa akin sa kinita nya sa sideline nya,yung lang yung kukunin ko, pero buong sahod nya ay sa akin. Mabuti na lang, swerte ako sa asawa ko kasi almost lahat din ng kinikita nya sa sideline nya binibigay nya din sa akin. And in return, talagang full time asawa ako sa kanya.
How about you guys, ano ang opinion nyo sa topic na ito? Dapat nga bang ibigay ni mister ang buong sweldo kay misis?
photos from google
Good evening. Ito ang isa sa magandang usapin talaga. Para sa kin na isa ring pamilyadong tao. Pag sa ganitong pera ang usapan sa pagitan ng mag asawa sa tingin ko ay okay lang naman na hnd lahat e ibigay ng mister ang sahod sa asawa pero dapat ay mas malaking parte ang mapupunta kay misis. Dahil nga sa si misis ang nagba budget ng pera para sa pamilya. Ngayon kung pareho naman kayong may trabaho maganda na pag usapan kung pano ang pag ba budget at paano din makakapag save ng pera para sa pamilya lalo na ngayon at pandemic. Mainam na limitado lang ang hawak nating pera pag nasa trabaho or nasa labas ng bahay para maiwasan ang mga di inaasahang gastusin. Mahirap na ang buhay ngayon. Nanjan ang pandemic at mga kalamidad kaya mas mainam na ibigay kay misis ang mas malaking bahagi ng pera upang makapag budget ng maayos at makapag save para sa future or panahon ng kagipitan.