Alay sa mga Frontliners

0 82
Avatar for daleandrew
3 years ago

Sa inyo aming alay
Kayong nagliligtas ng buhay
Meron din kayong pangamba
Bagsik na dala ni Corona

Kayong humaharap  sa nakaambang panganib
Nanaig ang katapatan sa sinumpaang katungkulan
Kahit nasa bingit ng kamatayan
Usal na dasal makaligtas sana.

Gapiin ang kamandag ni Corona
Huwag magwagi bagsik ni Corona

Naririnig namin usal ninyong hiling
Taimtim na panalangin
Matapos na sana,  salot ni Corona
Matigil na ang mga palahaw ng mga naulila

Matigil na ang salot na dulot
Matigil na bumabalot na lungkot!
Naririnig namin, taimtim nyong panalangin
Mailigtas ang buhay, di na madagdagan dumaragsang bangkay…
Naririnig namin taimtim nyong  panalangin

Matapos na
Magapi na
Kamandag ni Corona
Upang makauwi naman
Makapiling mga mahal sa buhay!

Dalangin nyo,  tumatagos sa hangin
Dalangin nyo, aming naririnig
Sinasabayan  namin inyong panalangin
Sana’y   makamtan nga inyong hinihiling…

Matapos na
Magapi na
Kamandag ni Corona
Matigil na bumabalot na lungkot
Matigil na takot na dulot
Matigil na…!

1
$ 0.00

Comments