UNITEAM:BBM-SARA sa South Cotabato;Rain or shine

3 30
Avatar for cyredawn22
2 years ago
Topics: Freewrite, Politics

Matagal na naming taga South Cotabato ang mag antay na bisitahin ng aming pambato sa pagka Pangulo na si BBM at vise President INDAY SARA. At kanina at natupad nga at sa sobrang dami na nag suporta sa kanya at di siya makapaniwala na kahit RAIN OR SHINE nandun ang mga kababayan kong nagmamahal sa kanya at sumusuporta sa kanya/kanila.

Pasado alas siete(7am)ng umaga ng lumapag ang private plane na sinaksayan niya kasama ang mga kasamahan niya sa kampanya at nag landing sa General Santos City airport. Sinalubong siya ni Governor Jun Tamayo at lahat ng mga sumusuporta dito.

Dumiritso sila agad sa General Santos City Capitol para pormal na magpakita sa mga nanunungkulan sa syudad. At nung lumabas siya para simulan any caravan from Gensan-Polomolok-Tupi-Koronadal ay di niya inaasahan na maraming tao na ang nag hihintay sa labas para makita siya at marinig ang boses niya .Hindi makapaniwala si Apo Lakay sa mainit na pag tanggap kahit di paman nag uumpisa and caravan/motorcade.

First stop Polomolok South Cotabato. Sobrang puno ang gym at di pa mabilang sa labas ang dami ng tao. Nag rally lang sila mga 2 dalawang or as at saka tumuloy nadin papuntan Tupi at last ay ang Koronadal kung saan doon gaganapin ang grand rally sa South Cotabato.

Welcome ! BBM-SARA sa Koronadal City my home town at sobrang saya ng puso ko sa nakita namin through live videos kung saan sobrang dami ng mg supporters niyo jan sa amin na handang tiisin ang pagoda, init at ulan actually malakas masyado ang ulan pero Hindi kayo nagpapatinag sa ulan dahil isa lang ang gusto niyong patunayan at ito ay ang ipakita Kay Apo lakay ang taos puso niyong pag suporta sa kanya at sa buong UNITEAM ! Kahit ako sobrang tuwa ko na talagang tumulo ang luha habang nanunuod nung lumabas kana at nakita mo ang mainit na pagtanggap ng taga South Cotabato sayo at sa lahat ng UNITEAM. Umuusok kahit na sobrang lakas ng ulan , umuusok ng pagmamahal at saya ang loob ng Sports Complex ng Koronadal City .

Hello Philippines ! Hello South Cotabato. BBM para sa amin ikaw na ang panalo. Walang nagawa ang malakas na ulan sa dami ng tao na nagkukumpulan para masilayan kalang. Pinaka nakakadurog ng puso ay nung tinapunan ka nila ng PULANG ROSAS sa intablado kung saan makikita ang pagka gulat at pagkamangha mo sa ginawa ng iyong mga tags suporta.

At sa tuwa mo ay ikaw ay nagpa ulan din kasama nila na mas umingay ang mga tao. Sabi mo pa sa lahat ng napuntahan mo dito mo nakita na kahit ulan at susuungin para lang makita at marinig ka. Na first time mong maglakad sa kulay pulang Rosas. At hinding Hindi mo ito makakalimutan. Ganyan ka kamahal ng taga south cotabato BBM Hindi man lahat pero sinusuguro ko lahat ng umabot sa iyong Ama at ikaw ang sinisigaw. Ikaw ang susuportahan.

Ang isa sa mga sinabi mo ay "Ang mga Pilipino ay hindi palaaway" nagpapakita ka lang na kahit anong paninira any ginagawa sayo ay Hindi ka nagpapatinag dahil alam mo ang to too , alam mo ang kapasidad mo , alam mo kung anong dapat at para sa mamamayang Pilipino. Hindi uso sayo ang pumatol sa mga storya na walang kabuluhan tunay ngang may mabuting puso ka para sa mga tao at para sa bansang Pilipino.

Sponsors of cyredawn22
empty
empty
empty

Meron tayong kanya kanyang pambato sa ngayong Halalan at nirerespito natin yun. Sana pag dumating na ang araw kung sino ang manalo sana lahat ng kulay ay magiging isa. Kasi kahit anong mangyari isang bansa pa rin tayo at walang ibang tutulong sa atin kundi tayo-tayo lang din mga Pilipino. Alisin and lahat ng sama ng loob kung nagka initan man kayo ngayon ng mga kakilala o kaibigan niyo sana dalangin ko na maging maayos din at balik din kayo sa dati. Hindi tayo naghalalan para maghati or para buwagin ang Pilipinas bagkus ginawa natin to para maging isa at harapin ang hamon ng buhay sa darating pang mga taon . Isipin mabuti ang kinabukasan ng mga anak natin at wag ang pansariling kapakanan.

Maraming Salamat South Cotabato!

4
$ 4.76
$ 4.74 from @TheRandomRewarder
$ 0.02 from @JLoberiza
Sponsors of cyredawn22
empty
empty
empty
Avatar for cyredawn22
2 years ago
Topics: Freewrite, Politics

Comments

Solid supporters are so fortunate to this man who is bound to be a leader of this country.

$ 0.00
2 years ago

I'll bet, hndi makikita to sa mainstream media.

$ 0.00
2 years ago

Naku Alam mo naman yang mga media na yan .Sobrang bias .Di makikita ng mga tao kung gaano siya kamahal ng taga sa amin. Kaya ginawan ko agad ng article eh .Kanina lang yang hapon

$ 0.00
2 years ago