90's chips at clips
Naaalala mo pa ba ang 90's na mga chips na kinakain mo at binibili sa tindahan ni Aleng Maria? Mga clips sa buhok na palagi nating iniiyakan sa magulang natin para bilhin kasi nga bukod sa cute at pakiramdam natin ang ganda-ganda natin pay suot natin yun lakas maka mayaman ng datingan pag meron ka nun. Mga bagay na kung pwede lang ibalik simpleng pagkain masaya na tayo bata at matanda enienjoy eh.
Isa ako sa mga kabataan noon na Hindi mahilig sa beans na yan kaya ginagawa ko kinakagat at sinisipsip hanggang sa wala ng lasa ang icedrop at niluluwa ang beans haha. Di pa uso talaga any icecream sa panahon namin kasi di rin namin afford kaya dito nalang kami sa tag 2 pesos palang noon. May special din naman yun ay ang pinipig na 5 pesos naman ang isa pero dahil sa 10 pesos lang baon ko dun tayo sa mura.
TOMI may all time favorite, mahirap na siya hanapin sa mg tindahan ngayon kasi pati sa tindahan upgraded nadin any chips. Pero meron kaming isang grocery store malapit dito na nabibilhan namin kaya kahit anong oras makakabili parin ako. Isa sa mg chips noong 90's na Hindi makakalimutan ng lahat lalong lalo na ako.
Itong mga candies naman na ito at naabutan ko pa nung dalawa piso siya kaya every recess namin palagi kung binibili to kahit di ka mag merienda ng ibang pagkain dito palang ay mabubusog kana sa tamis haha. Pero ngayon piso isa na at ewan ko lang kung meron pang nagbebebta nito sa ngayon kasi parang wala na eh.
Sinong nakakaalala nito ?Fly high Butterfly . Gandang ganda ako sa sarili ko noon pay meron akong ganito eh at sa pagka humaling ko at nagpabili ako ng marami sa nanay ko at benenta sa mg classmate ko n nakaka LL luwag luwag sa buhay para marami na kaming may ganito at bata pa ako at talaga namang business woman na ako eh. Kahit na di palaging naka suklay pag meron ka nito ay in kana sa fashion world ng panahon na yun.
Ito pinaka malupit noon hair extention na maraming kulay page gusto mo na medyo kikay ka at astig dapat meron ka nito pero approaching n ata ang 20's into at nagsilabasan na din and mg new trend kung bags pero isa itong style sa buhok na sobrang patok na patok sa panahon ko. Per di kami pinapayagan maglagay nito kasi iba paningin ng matatanda sa amin haha.
Sama mo na yung Smakee at Skul Bukol na chichirya 😂