1 month in KUWAIT: Laban lang
Laban! Kayang kaya para sa pamilya
Isa sa nagpapalakas Ng loob naming mag Asawa Ang mga salitang Yan. Sino ba Naman Ang Hindi gusto umasenso sa buhay diba? Lahat Naman siguro Tayo ay hanggad ay Ang mamuhay Ng mapayapa at walang pinoproblemang Pera. Pero kahit na malalaking tao pera ang problema din eh. Kaya kailangang lumaban sa agos Ng buhay para makamit Ang mga gustong pamumuhay.
Simulan ko sa ilang buwan kami namalagi sa Maynila Bago nakapunta dito. Nag saty kami sa Maynila Ng hugit limang buwan at kalahati dahil NGA sa pandemic ay talagang mas mabagal Ang proseso Ng lahat dahil online scheduling Ang dapat sundin at di pwede Ang walk in sa iBang papeles . Kaya habang NASA Maynila ay nag extra drive Ang husband ko sa pinsan ko na na dun 3 times a week Minsan Wala din. Sobrang hirap Ng pag apply Ngayon palabas Ng Bansa kaya kung may pag aalinlangan ka ay wag kana lang pumunta.
Ngayon sa away Ng Diyos ay nakaraos kami sa Isang buwan simula Ng dumating kami dito sa Kuwait. At talagang masasabi ko adjustment period padin Hanggang Ngayon kahit na sabihin na ex abroad na kami paerho ay iba padin pag nakasanayan Muna sa pinas. Nalagpasan din Ang Ramadan kaya salamat Panginoon sa lakas at pagbangon sa Amin araw2x.
Isang buwan na nahihirapan pero kaya ! Laban lang para sa pamilya at lalong Lalo na sa mga anak namin na naiwan sa papa ko. Sila Ang mga rason bakit kami lumalaban at hintayin Ang 23months bago.m makauwi at makapiling silang dalawa .
Isang buwan na walang masyadong pahinga at kunti lang ang tulog dahil may kailangan Kang tatapusin at aayusin kaya inuuna sila Bago Ang sarili. Isang buwan na nakalipas kung nakaya ko na lumaban at lalaban pa sa mga pagsubok Ng buhay.
Kaya Yan ! Laban para sa buhay at sa pangarap sa buhay para sa mga anak at sa lahat. Laban lang Kasi "all hardwork paid off". Kakayanin lahat Ng pagsubok sa buhay Basta wag kalimutan Ang Panginoon sa lahat Ng Bagay.
"Ang hirap kahit andito lang Asawa ko mas namiss ko Ang mga anak ko andun padin Ang homesick. Lalo na pag NASA panaginip ko sila at talagang maluluha Ako". Pero kailangan Kong magtiis para sa ikakaayos Ng pamumuhay NILA at pangangailangan." Mahirap maging Isang OFW di biro ang mga pagdadaanan at pinagdadaanan tulad Ng Isang Pinay nanabaliw kamakailan lang dahil sa depression anxiety .Kaya di natin alam Ang tatahaking Lugar kaya magdasal Ng buong puso sa Panginoon sa desisyong Gawin sa buhay."
Laban lang sis para sa mga pangarap, kaya nyo yan! Atleast magkasama kayo, di ka masyadong malulungkot. Keep safe kayo jan.