Kwentong Sabaw

2 19
Avatar for curiouscat
2 years ago

Magandang hapon sa ating lahat. Recently kumakain kami ng lunch ng mga kaibigan ko dun sa silogan na malapit lapit sa boarding namin. Nilalakad pa ng mga ilang meter, yun na kasi yung pinaka malapit na kainan, sa totoo lang ang sakit nya sa bulsa ackk halos kada meal gumagastos kami ng 65 up or di na baba sa 40 pesos. Imagine kung araw araw 100+ pesos magagastos sa food pa lang ackkk samantalang dati napag kakasya ko kahit papano ang 500 one week or higit tas ngayon halos 500 ko 3 days nalang. Kaya di rin ako maka ipon kasi yung nakukuha ko sa noise and read pinapang dagdag allowance kasi dami na rin gastusin na hinhingi ko kay mama.

Pero ang ikikwento ko is ang sarap nung sabaw dun sa silogan na yun hahah. Dati may kinakainan din kami na karenderya, sarap din ng sabaw nila like nakakawala ng umay lalo pag mainit pa. Kaso ngayon take out lang ang inoffer nila bawal dine in, eh minsan gutom na gutom na kami pag take out babalik nanamn kami sa bh bago makakain. Pero miss ko na sabaw dun.

Another kwentong sabaw na di ko malilimutan at every time na kakain sa karenderya tapos may sabaw eh yun ang naalala ko talaga. Si papa kasi dati nung buhay pa sya and nag wowork so syempre dun na sila kumakain sa work nya super hirap ng buhay noon. Sabi nya kay mama ang ginagawa nya daw every tanghali is bumibili ng kanin tapos hihingi ng sabaw and yun na ang ulam nya. My mom was like huh? Bat di ka bumili ng ulam eh may budget naman kahit onti. Sabi ni papa di daw kasi nya alam kung anong ulam nila mama parang hindi daw sya mapakali na uulam sya ng masarap o kahit nung pinakamura na ulam sa karenderya tapos di nya sure if ano kinain nila mama. Huehue cutiee ni papa super caring 🥺

Me is recently and currently sabaw too acck. So yung another defense namin bukod thesis ay sa May 5 at dapat May 3 masubmit na manuscript eh ang dami pang kulang ksksksk so ayun sabaw na sabaw na utak ko kaka computer at kaka solve di ko na sure ginagawa ko sa buhay huhu I have a lot of sabaw moments too na sa super dami wala na ko maalala hahahah

How about you, what's your sabaw moments??

4
$ 0.97
$ 0.97 from @TheRandomRewarder
Avatar for curiouscat
2 years ago

Comments

Ayos iyang kwentong sabaw mo kaibigan. Kung masarap talaga tunay na babalik balikan ang kainang iyan

$ 0.00
2 years ago

Opooo hehe kaso medj mahal hahah

$ 0.00
2 years ago