Kahit nga bata marunong naman gumuhit ng linya.
Madali lang naman gumuhit nyan, maaring hindi pantay maaring pwede na. Sa bawat guhit sa papel maaring simulan ang iba pang hugis, at mula sa mga hugis makakabuo ng isang magandang obra. Pero teka, hindi naman ito tungkol sa sining.
Even kids know how to draw the line
Hindi ito literal. Hanggang saan ka dapat mag salita? Hanggang kelan ka dapat mag bigay ng opinyon? mag kumentaryo? magtanong?
Hindi sa lahat ng pagkakataon alam mo dapat ang pangyayari sa buhay ng tao. Kaibigan mo, kapamilya, o kakilala mo lang- matuto kang tumayo kung saan lang ang dapat. Don't go overboard ika nga nila. Tama! maaring maayos ang intensyon mo pero tandaan na may privacy ang tao na dapat mong irespeto. Hindi mo naman siguro gugustuhing mang himasok sa problema ng iba lalo na kung chismis lang ang hanap mo (marites ka gurl?). Huwag ugaling mang himasok, minsan sa pag bigay ng care at pag aalala natin sa isang tao hindi natin napapansin na sumusobra na (hindi ka rebisco okay?).
Know how to draw the line whenever you're cracking jokes
Keep in mind that jokes should be funny, not offensive. Sayang saya ka yung nakakarinig na ooffend na pala. Don't ever laugh at someone's appearance or status in life. Don't laugh at their dreams and when they presented an idea. Kung may something off sa kaibigan mo address it in a nice way and privately. Hindi naman kailangan malaman ng buong mundo na may amoy sya sa kili kili at need nya yun ayusin- sabihin mo sakanya ng mahinahon ng kayo lang at sa personal.
The 10 seconds (or so) rule
Actually there are a lot of 10 seconds rule but I want to focus on things that we say towards someone. Example, may paminta sa ngipin ng kausap mo, say it to him/her so it can be fixed. If bukas zipper nya, may sumabit na tissue sa likod nya, if nakalabas na ba strap ng bra nya- lahat ng kayang ayusin sa loob ng sampung segundo o sa loob ng ilang minuto pwede mo yun i-bring up. Mas lalo lamang syang mapapahiya pag mas maraming tao pa ang nakapansin ng isang bagay na hindi naman big deal. Kapag nagkita kayo at nakita mong sobrang dami nyang pimples, hindi mo na kailangan sabihin yun, kasi hindi naman nya yun maayos sa loob ng sampong segundo o kahit sa isang araw. Kung nakita mo na he/she gained too much weight don't bring up the topic, well aware sila sa mga nangyayari sa katawan at buhay nila na maaring even them are having a hard time fixing it. Draw the line, if they don't want to talk about it, they won't bring it up.
When? Why? Kaya this year?
Yung mga tanong na kelan ka mag aasawa, bakit wala ka pang anak, at kung ano ano pa eh ang hirap sagutin lalo na kung may mabigat na reason behind that. Maaring health condition kaya hindi o wala pang anak. May mabigat pang responsbility sa family kaya di nag aasawa. Huwag natin ipamukha sa isang tao na nahuhuli na sya eh may kanya kanyang timeline yan.
Andami pang ibang bagay na dapat natin iconsider tuwing nakikipag interact tayo sa mga tao. Learn to be sensitive if yung kausap mo is comfortable pa ba or not.
I'm guilty with some stuffs and honestly my mouth can't stop commenting because I'm too comfortable with the person am talking to and I forgot not to cross the boundaries. But we grow up and realization hit us, and whenever we learned something remember to take caution next time and share it to others.
Spread love and kindness.
~ Hindi ko talaga kaya na straight tagalog tas pormal hahaha sorry na taglish conyo whatver ka gurlll?
Thanks for stopping by!
OMG, hindi naman always pero oag nakaharap ko ung mga former classmates ko tapos bigla baga akong kinakabahan parang nabablanko akonee kaya minsan ang nasasabi ko nalang is yong napapansin ko sa kanila. Ewan ko ba, di na talaga ako sanay makiharap sa tao ba haha