Buhay ko bilang khadama

0 29
Avatar for coffee_shie29
2 years ago

Minsan inisip din na maka pag trabaho sa ibang bansa. Nabigyan ako ng opportunity na makipagsapalaran din sa ibang bansa,masaya at excited din ako pero andun parin ang kaba n pakiramdam . Sinubukan ko at ginawa ko lahat ng aking makakaya. Masaya ako na nakarating sa ibang bansa pero napunta ako s mga amo na hindi mo mawari ang ugali sa umpisa maganda ang pakikitungo nila, pero habang tumatagal lumalalabas na tunay nilang ugali. Mahirap sa umpisa n pakibagayan ugali nila, lalo na hindi maintindihan salita, nahirapan din ako nag adjust s lasa ng pagkain nila.

Bilang isang khadama lahat mararanasan mo, pagod, hirap at gutom higit sa lahat homesick ang pinaka mahirap labanan. Me mga pagkakataon na umiiyak ako sa gabi inaalala ko mga anak ko kung kamusta na ba sila at kung kumakain sila hindi maiiwasan bilang isang ina ang mag aalala kahit pa alam mo n me nag aalaga sa knila, iba padin talaga na ikaw mismo ang mag aalaga at mag aasikaso sa kanila.

Sa dalawang taon na pag sisilbi ko bilang katulong ng mga arabo masasabi ko na mahirap at isang experience na hindi ko makakalimutan kahit kailan nagkaroon ako ng kasama doon na isang pinay din, ou mabait siya kung mabait pero worst part hindi ko akalain na me tinatago din palang ibang ugali..naranasan ko sa kanya ang tutukan ng kutsilyo, i never experience in my life un sa kanya lng kahit palagi nya ako inaaway nuon kung anu anong masakit na salita binibitiwan nya sakin pero hindi aq nanlaban na to the point na gaganti din ako s knya,kundi pina realize ko sa kanya na mali ung ginagawa nya sakin.

Maari na natauhan din siya s maling ginagawa nya sa kapwa nya, mayroon kaunting pagbabago sa ugali nya. Mananaig padin ang kabutihan sa kapwa kung patuloy tayong magpapakita ng kabaitan s kanya. The night na uuwi na ako ng pilipinas umiyak siya hindi na kasi ako nag renew ng contract ko nuon mas pinili ko umuwi nalang.

Thank you sa pagbabasa ng aking personal experience, dko na naikwento lahat nakaka iyak din balikan ung nangyari sa nakaraan.

1
$ 0.01
$ 0.01 from @CryptoMan4
Avatar for coffee_shie29
2 years ago

Comments