anong narealize mo itong quarantine?
Ano gagawin mo after quarantine?
Hindi maganda sakin ang taon ng 2020. Unang pasok palang kasi ng taon isang pagsubok na agad yung hindi ko kinaya nung mawala yung papa ko.
January 27 nung nawala sya. Dead on arrival pagdating sa ospital. Severe pneumonia. Dun palang nasaktan na ako.
Realization ? Hanggat nandyan pa yung taong mahal mo, bigyan mo ng oras. Mahalin mo at pahalagahan mo. Hindi mo kasi alam kung kailan sya pwede mawala kaya hanggat may oras bigyan mo ng halaga.
Sunod ung COVID, grabe no. Di ko akalain na sa 25yrs ko dito sa mundo e magkakaroon ng ganitong pandemic. History na naman.
Ang dami kong narealize e habang may pandemic. Mahalaga mag ipon, oo kasi para may madudukot ka kapag kaylangan mo. Para hindi ka aasa sa ibang tao kasi papaano kung ilang taon pa to. Paano kana mabubuhay kung wala kang ipon.
Trabaho - pahalagahan mo rin ang kumpanya na pinag tratrabauhan mo. Kasi hindi mo alam hanggang kelan nalang sila. Sa dami ng kunpanya na nagsarado ngayon lalong kawawa ung mga empleyado na nawalan ng trabaho, Bat ngayon pa.
Family - Magbigay ka ng oras sa kanila, ganitong pandemic pagkakataon mo na para magbigay ng oras sa kanila. Sa magulang man o sa mga anak mo pagkakataon mo na para makabawi.
Madami pa tayong marerealize ngayong may pandemic pa. Pero magsilbi itong aral sa atin. Mag ingat at pahalagahan ang sarili
Jera
Korek ka po! Diyan mo lang ma realized lahat kapag huli na. Kaya sana lesson na natin ito para sa susunod, handa na tayo.