CHED MEMO NO. 20 S. 2013 VS CHED MEMO NO. 57 S. 2017
Ang kultura ng mga plipino ay nakakabit na sa ating pagkatao, simula pa lamang ng tayo ay isinalang natututunan na natin ang ating kultura lalo na ang ating wika. Napaka importante sa isang tao na matutunan ang sarili niyang wika upang makapahayag ito ng kaniyang saloobin o mga nais sabihin sa ibang tao. Sa pamamagitan ng ating wika, nagkakaroon tayo ng komunikasyon sa atng kapwa at tayo’y nagkakaintindihan. Sabi nga nila, ang wika ay ang kaluluwa ng ating bansa, hindi na ito maiaalis sa atin sapagkat ito ay natural na sa ating pagka-Pilipino. Ayon sa isyu ngayon, tungkol sa pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo, dapat nga bang tanggalin ito at ibaba sa sekondarya sa kurikulum ng K-12? Ano nga ba ang mangyayari sa mga guro na nagtuturo ng asignaturang Filipino? Dapat ba itong ipatupad o kaya naman rebesahin nalang ito ng maayos para rin sa ikabubuti ng mga guro at pati narin ang mga estudyante ng mga kolehiyo o unibersidad.
Ayon sa CHED MEMO NO. 20 S. 2013, nais ng ched na ibaba ang mga asignaturang Filipino sa Senior High School at bawasan ang mga units ng Filipino sa kolehiyo.Maaaring maging mahusay sa larangan ng Filipino ang nasa K-12 kurikulum ngunit mawawalan kasanayan ang mga nasa tertiarya dahil sa mawawalan ng asignaturang Filipino at mababawasan ang mga units. Paano naman ang mga guro na nag tuturo sa kolehiyo? Sila ay mawawalan ng trabaho, sabi nga ng CHED ang mga guro na nagtuturo ng asignaturang Filipino ay ibaba sa Senior High School, hindi ito sapat na dahilan para sa mga guro. Sa una palang ang pagsasabatas ng K-12 kurikulum ay hindi masyadong napaghandaan kagaya na nalang ng mga resulta nito tulad ng, kawalan ng silid aralan, libro, mga pasilidad, guro, atbp. Hindi masisigurado ng CHED na ang lahat ng guro sa kolehiyo ay matatanggap sa secondary dahil sa karamihan ng mga guro konti lang ang nakakapasok dahil na rin sa mga kakulangan ng K-12. Bilang isang estudyante na naranasan ang K-12 kurikulum totoong naging mahirap sa aming mga estudyante ang mga sitwasyon sa bagong kurikulum na ito. Maraming mga kakulangan at mga di sapat na mga pasilidad sa karamihan ng mga estudyante, kulang na mga kagamitan para sa mga estudyante at di sapat na mga guro para makaturo sa lahat ng asignatura.
Ayon naman dito sa CHED MEMO NO 57 S. 2017, layunin nito na sa halip na alisin na lamang ang asignaturang Filipino sa kolehiyo, ito ay kanilang pinalitan ng mga bagong asignatura dahilan na rin na nabago na rin ang kurikulum sa tertiarya. Dahil dito maaari pa ring matutunan ng mga estudyante sa kolehiyo ang asignaturang Filipino at hindi na ito mawawala sa iba pang asignatura sa kolehiyo. Isa na rin itong magandang implemento na CHED upang di na maalis ang asignaturang Filipino sa kolehiyo. At dahil na rin sa nabago na ang kurikulum sa kolehiyo, ang mga asignatura sa Filipino ay napalitan na ng mga bagong silabus na gagamitin sa pagtuturo ng mga professor o mga guro sa kolehiyo/unibersidad. Ito ay ang mga sumusunod: 1) KOMFIL (Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino); 2) FILDIS (Fiipino sa iba’t ibang Disiplina); at 3) DALUMATFIL (Dalumat ng/sa Filipino; 4) SOSLIT (Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan) at 5) SINESOS (SineSosyedad/Pelikulang Panlipunan). Sa pamamagitan nito, lalo pang uusbong ang kaalaman ng mga estudyante tungkol sa ating wika at iba pang mga aspeto nito. Hindi na rin maaapektuhan ang mga guro na nagtuturo sa kolehiyo at hindi na rin sila mawawalan ng mga trabaho.
Ang pagtanggal ng asignaturang Filipino ay hindi katanggap-tanggap dahil para na nating ibinasura ang ating kultura na siyang ating kayamanan. Ang wikang nagsisilbing komunikasyon upang magkaroon ng pagkaunwaan sa isa’t isa at magsilbing gabay para sa kaunlaran ng ating bansa. Hindi dapat mawala ang asignaturang Filipino dahil sa para na rin nating ikinahiya ang sarili natin at ikinahiya pati na rin ang mga bayaning nagbuwis ng buhay para na rin sa ating kalayaan. Dapat pa itong palawakin at paigtingin ang kaalaman at kamalayan sa wikang Filipino upang matutunan at maunawan lubos ng mga estudyantes at para maipamahagi pa ito sa mga susunod na henerasyon.