Mahalagang Paalala

0 14
Avatar for chloe7
Written by
3 years ago

PAALALA:

Sa ating mga Kabarangay at sa mamayan ng bayan ng Mariveles.

IPINAGBABAWAL po ang Pagdalaw sa mga PUNTOD simula October 29 hanggang November 4.

Ang Mariveles Public Cemetery ay matatagpuan sa Barangay San Isidro. Ayon po sa mga napagkasunduan sa pagpupulong kasama ang ating Punong Bayan at Liga ng mga Barangay ay magkaroon ng mga Panuntunan sa pagbisita natin sa mga puntod ng ating mga mahal sa buhay.

TALAAN NG PAGBISITA SA MGA SEMENTERYO

(Pribado at Pampubliko)

Oct. 20 - Balon Anito/

Baseco Country

Oct. 21 - Ipag/ Alas asin

Oct. 22 - Malaya/ Sisiman

Oct. 23 - Maligaya/Townsite

Oct. 24 - San Carlos/ Mt. View

Oct. 25 - Poblacion/Batangas ll

Oct. 26 - Camaya/ Alion

Oct. 27 - San Isidro/ Lucanin

Oct. 28 - Biaan/ Cabcaben

MGA DAPAT TADAAN:

1. Ang pagdalaw ay mula 6:00 ng Umaga hanggang 6:00 ng Gabi lamang

2. Ang patakarang ito ay sasaklaw sa lahat ng sementeryo sa Bayan ng Mariveles , pampubliko man o pribado.

3. Magdala ng ID kung saan makikita ang inyong tirahan (address)

4. IPINAGBABAWAL ang PAGTITINDA at pagdadala ng mga matutulis na bagay, nakalalasing na inumin at mga pampaingay (videoke, sound system, atbp.)

5. Magsuot ng FACE MASK at FACE SHIELD at sundin ang panuntunan sa Social Distancing.

Sumunod po tayo at Mag ingat po sa lahat ng oras. Maraming salamat po

Sponsors of chloe7
empty
empty
empty

1
$ 0.04
$ 0.04 from @TheRandomRewarder
Sponsors of chloe7
empty
empty
empty
Avatar for chloe7
Written by
3 years ago

Comments