Sa nalalapit na pagdiriwang ng Kapistahan ng Nuestra Señora Virgen Del Rosario sa bayan ng Orani sa ika-11 ng Oktubre, pansamantala po munang isasara ang nasabing bayan sa loob ng dalawang (2) araw simula bukas, ika-10 hanggang ika-11 ng Oktubre.
Ito po ay alinsunod sa ibinabang Executive Order No. 55 ng Office of the Municipal Mayor upang maiwasan ang pagdagsa ng mga tao na nais magsimba at makiisa sa pagdaraos ng kapistahan na maaaring maging dahilan ng pagkakahawa-hawa sa COVID-19.
Ang mga pinahihintulutan lamang pong pumasok sa bayan ng Orani ay ang mga sumusunod:
-Mga residente ng Orani na nagtatrabaho sa ibang bayan
-Mga residente ng Orani na nagdedeliver ng kanilang goods/products sa ibang bayan
-Mga residente ng ibang bayan na may negosyo, nagtatrabaho at nagdedeliver ng goods/products sa bayan ng Orani
Samantala, sa mga nais dumalo sa misa ay iminumungkahi po munang manood ng live streaming sa Facebook page ng Minor Basilica and Shrine Parish of Our Lady of the Rosary of Orani.
Hinihiling ko po ang inyong patuloy na pag-unawa at pakikiisa sa mga alituntunin ng ating mga yunit pamahalaang lokal upang mapigilan ang pagtaas ng bilang ng mga kumpirmadong kaso sa ating Lalawigan.
Ibayong pag-iingat at maraming salamat po.