“Di kaya sila kidlatin ng langit?"
Ito ang tila babala ni Korina Sanchez sa mga mambabatas na hindi boboto pabor sa pagbibigay ng bagong prangkisa sa ABS-CBN.
Sa kanyang Instagram kagabi, July 7, pinanindigan ni Korina na walang napatunayan ang mga mambabatas sa hearing ng ABS-CBN franchise na may nalabag na batas ang pinaglilingkurang istasyon.
Gayunpaman, sinabi rin ni Korina na walang perpektong kumpanya.
Pahayag ng veteran broadcaster, “Wala mang mapatunayang violations, nagpapakumbaba ang pamunuan ng network at umaaming walang perpektong kumpanya.
“Wala. At bukas ang network sa pagtutuwid ng hindi perpekto.”
Kung walang perpektong kumpanya, ipinagdiinan ni Korina na wala ring perpektong kongresista.
Nagpakumbaba pa rin daw ang mga namumuno ng istasyon, kaya walang rason upang hindi pagkalooban ng bagong prangkisa ang ABS-CBN.
Saad ng Rated K host, “Lalo naman na hindi perpekto ang mga kongresista.
Published as is: “Kung walang mapatunayang violations, at nagpapakumbaba parin ang network executives, ipagkakait parin ang franchise renewal at isasarado parin ang ABSCBN?
“Di kaya sila kidlatin ng langit?”