Bataan Peninsula Medical Center temporary closed

0 17
Avatar for chloe7
Written by
3 years ago

Pansamantalang isinara muna sa publiko ang operating room at NICU complex ng Bataan Peninsula Medical Center matapos magpositibo sa Covid-19 ang dalawang medical staff dito.

Ayon sa kanilang notice to the public, ito ay para bigyang daan ang decontamination process sa naturang bahagi ng nabanggit pribadong ospital sa bayan ng Dinalupihan, Bataan.

Samantala, mananatili namang bukas ang ibang bahagi ng ospital kagayan ng out-patient dept., in-patient dept. at emergency room dahil virus-free umano ang mga nabanggit na lugar.

As of October 5 ay naitala sa 18 ang active cases ng Covid-19 sa bayan ng Dinalupihan at 444 naman sa buong Bataan.

Ulat ni Mr. Mhike Cigaral

Central Luzon Correspondent | DZXL 558 RMN Manila

2
$ 0.04
$ 0.04 from @TheRandomRewarder
Sponsors of chloe7
empty
empty
empty

Comments