African Swine Fever (ASF)

0 31
Avatar for chloe7
Written by
4 years ago

Bahagi pa rin ng programa para sa ating mga kababayang naapektuhan ang kabuhayan dulot ng African Swine Fever (ASF), ay ang pamamahagi ng tulong pinansyal mula sa ASF Indemnification Program ng Department of Agriculture (DA) sa mga may-ari ng babuyan na napabilang sa isinagawang depopulation ng mga baboy na tinamaan ng nasabing sakit.

Kanina, ika-9 ng Oktubre, 33 may-ari ng babuyan sa Lungsod ng Balanga ang binigyan ng tulong pinansyal sa pangunguna ng ating Provincial Veterinarian Dr. Albert Venturina at mga kawani ng Department of Agriculture Region III.

Inaasahang sa mga susunod na araw ay muling mamamahagi ng tulong pinansyal sa mga munisipalidad na tinamaan din ng African Swine Fever (ASF).

Lubos po ang pasasalamat ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan sa mga ahensya na patuloy ang pakikiisa para sa muling pagbabalik sigla ng ekonomiya at kabuhayan sa ating probinsya.

#1Bataan ☝️

Sponsors of chloe7
empty
empty
empty

3
$ 0.14
$ 0.14 from @TheRandomRewarder
Sponsors of chloe7
empty
empty
empty
Avatar for chloe7
Written by
4 years ago

Comments