Isa pinakaproblema natin talaga ay ang pera. pinakamahirap at kailangan natin kumayod at pagurin ang sarili para lang tayo magkaroon ng salapi. para sa mga mayayaman, ay mababaw lang na problema sa kanila, pero para sa mga mahihirap katulad ko ay sobrang hirap dahil una ay hindi sapat ang trabaho para makaipon dahil din sa maraming bayarin at ginagastos.
Kung minsan nahuhusgahan ka pa ng iba na kung bakit ganyan lang naipon mo? kung bakit ang tagal mo ng kumikita ay hindi lumalaki ang perang iniipon. isa ako sa mga hinuhusgahan dito sa bahay, dahil wala akong naiipon.
Inaamin ko minsan nahihirapan ako mag ipon pero sila din ang dahilan kung bakit wala ako naiipon dahil sa pagkukutya/paguudyok na gumastos sa tuwing araw ng sahod. mahirap humindi kasi kapag hindi mo sila pinagbigyan sasabihin na bat ang damot ko at kuripot, kaya kung minsan ang hirap din. wala rin natitira sakin.
Dahil may mga taong andyan lang kapag may pera ka handa silang ubusin pera mo pero kapag wala na, lalayuan ka nila at hindi ka nila matutulungan.
Natutunan ko na kailangan mo mag ipon sa sarili mo at huwag mo na sabihin sa kanila. kumbaga pansarili mo na yon. Magbigay ka din pero kung hanggang saan lang abot makakaya mo.