Huli na

1 4
Avatar for cheann2020
3 years ago

Sa huli

Sa ngayon hindi ko muna siguro sasabihing

"Mahal kita"

Sapat na muna sigurong paramdam kong mahalaga ka,

Dahil baka tulad nila kapag napagod ka,

Sa huli bibitaw ka at maiiwan na naman akong mag-isa.

Sa ngayon wag mo akong sanaying nandyan ka, wag mo akong samahan, wag mo akong sundan.

Dahil baka tulad nila kapag napagod ka,

Sa huli bibitaw ka at maiiwan na naman akong mag-isa.

Sa ngayon, hanggang alas-diyes lang palitan ng mensahe ha?

Kasi masasanay ako na araw-araw nagpaparamdam ka, na nag-aalala ka

Dahil baka tulad nila kapag napagod ka,

Sa huli bibitaw ka at maiiwan na naman akong mag-isa.

Sa ngayon, wag mong iparamdam na parang ako ang pinakamagandang babaeng iyong nakita.

Kasi alam kong mas madami pang iba, yung mas higit pa.

Dahil baka tulad nila kapag napagod ka,

Sa huli bibitaw ka at maiiwan na naman akong mag-isa.

Sa ngayon, wag mong sabihing "Ikaw lang, promise, walang iba"

At "Wag kang mag-alala kaibigan ko lang siya"

Dahil baka tulad nila kapag napagod ka,

Sa huli bibitaw ka at maiiwan na naman akong mag-isa.

Sa ngayon, wag mong sabihing ako ang mundo mo at di mo kayang mawala ako, wag mo ng bilugin ulo ko.

Ilang beses ko ng narinig yan, wag mo akong gawing mundo, tao ako.

Dahil baka tulad nila kapag napagod ka,

Sa huli bibitaw ka at maiiwan na naman akong mag-isa.

Sa ngayon, wag mong sabihing maghihintay ka kahit gaano katagal,

Kasi matagal na akong naghihintay pero wala pang nakatagal.

Dahil baka tulad nila kapag napagod ka,

Sa huli bibitaw ka at maiiwan na naman akong mag-isa.

Sa ngayon wag mong sabihing takot kang mawala ako,

Walang mawawala sayo, nadadala ka lang ng emosyon mo.

Dahil baka tulad nila kapag napagod ka,

Sa huli bibitaw ka at maiiwan na naman akong mag-isa.

Sa ngayon wag mo akong yayakapin sa tuwing nilalamig ka,

Wag mo akong hahawakan, wag kang kumapit.

Dahil baka tulad nila kapag napagod ka,

Sa huli bibitaw ka at maiiwan na naman akong mag-isa.

Sa ngayon wag na muna,

Sanay naman na akong mag-isa

Sa ngayon wag mo munang sabihing "Mahal kita"

Dahil baka tulad nila kapag napagod ka,

Sa huli bibitaw ka at maiiwan na naman akong mag-isa.

Sa ngayon hanggang dito na lang muna.

Tsaka na kapag handa ka na talaga

Tsaka na kapag sigurado ka na

Tsaka na kapag alam mo na talaga ang ibig sabihin ng mga katagang mahal kita

Dahil baka tulad nila kapag napagod ka,

Sa huli bibitaw ka at maiiwan na naman akong mag-isa.

Kaya sa ngayon, wag na muna.

Wala namang tayo.

Wala munang tayo.

Kung hindi lang naman malinaw intensyon mo wag ka na lang magparamdam.

Dahil baka tulad nila kapag napagod ka,

Sa huli bibitaw ka at maiiwan na naman akong mag-isa.

2
$ 0.00
Avatar for cheann2020
3 years ago

Comments

I feel the same way

$ 0.00
3 years ago