Naging masaya ka sa piling niya,
Habang siya'y hinihintay na lamang ang sumuko ka na.
Ibinigay mo sa kaniya ang lahat,
Ngunit para sa kaniya'y 'di ka pa rin sapat.
Sobra kang naghirap sa kaniya,
Sobrang sakit ang ipinaramdam niya.
Panahon na siguro para sumuko ka na---
'Yong pagsukong hindi ka na babalik pa sa kaniya.
Isipin mo ang mga luhang iyong iniiyak,
Ang puso mong kaniya lang naman na winasak,
Ang pagpaparamdam niya sa 'yo ng sakit;
At ang lahat ng iyong mga hinanakit.
Tama na---
Simulan mo nang limutin siya,
Simulan mo ng itigil ang kahibangan mo sa kaniya;
Kahibangang binaliwala niya at hindi niya sa 'yo pagpapahalaga.
Simulan mo na!
'Wag mo ng ipagpabukas pa.
Simulan mo na ang proseso ng paglimot mo sa kaniya.
Nang tuluyan na muling bumalik sa 'yo ang tunay na saya.
Alamin mo ang iyong halaga,
'Wag kang manatili sa taong hindi naman ito makita.
Dahil babae ka, prinsesa ng iyong ina't ama,
Hindi ka sundalo para patuloy na lumaban para sa taong 'di nakikita ang iyong halaga.
Minsan hindi masama ang sumuko,
Lalo na't sobra na ang sakit na iyong natamo.
Kaya kaibigan, gumising ka na sa reyalidad, tanggapin mo na na hindi ka para sa kaniya.
'Wag ka ng kumapit pa, kaibigan, tama na, panahon na para bumitaw ka na.